Sistemang panghukuman

Sa batas, ang hudikatura, tagapaghukom, o sistemang panghukuman (Ingles: judiciary, judicature, justice system, o judicial system) ay ang sistema ng mga hukuman na namamahala sa hustisya sa ngalan ng soberanya ng estado, isang mekanismo upang maayos ang mga hindi pagkakasunduan, sigalot o gulo. Binubuo ito ng Kataastaasang Hukuman, Hukuman ng mga Apela (apeal)at iba pang mababang hukuman. Sa ilalim ng doktrina ng paghihiwalay ng mga kapangyarihan, ang hudikatura ay hindi maaaring gumawa o magpatupad ng batas, na nasa pananagutan ng tagapagbatas at tagapagpaganap, tagapaghukom, ngunit sa halip, kung mayroon isang pagtatalo, binibigyan ito ng kahulugan at nilalapat ang batas sa mga katotohanan ng bawat kaso.

Ang salita ay ginagamit din pantawag sa mga hukom, mahistrado at iba pang bumubuo sa sangay ng hudikatura, pati na rin ang mga taong nasa likod nito na nagpapanatili na maging maayos ang takbo ng sistema.

Iba't ibang tungkulin

baguhin

Sa karaniwang batas ng hurisdiksiyon o probinsiya, binibigyan ng kahulugan ang batas ng mga korte na binubuo ng mga konstitusyon, kautusan, at regulasyon. Habang binibigyan ng kahulugan ng mga mahistrado ang batas, hindi sila inaasahang na ibatay ang kanilang pasya sa personal na kagustuhan, sa halip, hinihingi ng kanilang sinumpaan ang pagtukoy sa kinalabasan ng bawat kaso na nakabatay sa pinakamakatuwiran at walang kinikilingang interpretasyon, bagaman hindi kinakailangang literal, ng teksto tinatanong gayon din ang resolusyon ng bago ang katulad na sitwasyon ng mga kaso (i.e. batas ng kaso).

Sa batas sibil na mga hurisdiksiyon, binibigyan ng kahulugan ang batas ng mga korte, ngunit hindi, sa teoriya, tinuturing ang nagkaraang mga kinalabasan mula sa parehong hurisdiksiyon sa parehong pinagtatalunang situwasyon bilang paggagabay. Samakatuwid, nalalapat lamang ang kapasyahan ng batas sibil sa kasalukuyang kaso.

Makikita ang pagkakaiba ng mga hudikatura sa pamamagitan ng paghahambing ng sistema ng hudikatura sa Estados Unidos, Pransiya at ang Republikang Popular ng Tsina:

  • sa pamahalaan ng Estados Unidos, ang kataas-taasang hukuman ang pangwakas na kapangyarihan sa interpretasyon ng mga pederal na Saligang Batas at ang lahat ng kautusan at regulasyon na nilikha alinsunod sa mga ito;
  • sa Pransiya, ang pangwakas na kapangyarihan sa interpretasyon ng kautusan ay ang Conseil d'État para sa administratibong mga kaso, at ang Hukuman ng Kasasyon para sa mga kasong sibil at kriminal;
  • at sa Republikang Popular ng Tsina, ang pangwakas na kapangyarihan sa interpretasyon ng kautusan ay sa Pambansang Kongresong Bayan.
  • ibang mga bansa tulad ng Arhentina ay may magkahalong sistema na kasama sa mas mababang korte, mga korteng apela, ang isang hukuman kasasyon (para sa mga kriminal na batas) at ng Kataas-taasang Hukuman. Sa sistemang ito ang Kataas-taasang Hukuman ang palaging pangwakas na kapangyarihan ngunit ang may apat na yugto ang kriminal na mga kaso, higit sa isa sa batas sibil.

Kasaysayan

baguhin

Pagkatapos Rebolusyong Pranses, binawasan ng mga mambabatas ang pagiging malaya ng hudikatura, at pinahintulutan ang lehislatura na bigyan kahulugan ang batas; binaligtad ng Kodigo ni Napoléon ang pakikialam na ito sa paghihiwalay ng kapangyarihan hinggil sa walang kinikilingan ng lehislatura.[1] Sa Pransiya, kasama ang mga ibang mga bansa na sinakop ni Napoleon, o kung saan tinatanggap ang Kodigo Sibil, muling ginampanan ng mga hukom ang isang mahalagang gampanin, tulad ng kanilang kapilas nilang mga Ingles.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cappelletti, Mauro et al. The Italian Legal System, page 150 (Stanford University Press 1967).