Siyāmak Mosaddegh
Si Siyāmak Mosaddegh (Persa (Persian): سیامک مصدق) ay isang Iraning manggagamot at kinatawan sa Asambleang Konsultibong Islamiko ng bansa. Isa siyang kritiko ng Siyonismo at ng tagapagtaguyod nito, ang Israel, na binansagan niyang "laban sa Tao" at "pumapatay ng mga walang-sala."[1][2] Ayon kay Mosaddegh:
Isa kami sa mga pinakaunang pamayanan sa Iran. Malaya kaming nananampalataya. Ang antisemitismo ay isang penomenong Kanluranin ngunit hindi magpakailanman naisapanganib ang mga Hudyo sa Iran.[3]
Kaniya ring sinabing:
Kung iniisip mong ang Hudaismo at ang Siyonismo ay iisa, para mo na ring iniisip na ang Islam at ang Taliban ay iisa. Mali ito.[4]
Gayumpaman, sinasabi niya na kinokondena ng mga Iraning Hudyo ang pagbansang ni Pangulong Mahmoud Ahmadinejad sa Olokawsto bilang isang "mito," ngunit sinabi rin na ang mga gawain ng Pangulo ay hindi nakakapanganib sa huli.[3] Dagdag pa niya:
Kami ay mga Iraning Hudyo at ipinagmamalaki namin ang aming pagkamamamayan. Hindi namin iiwanan ang Iran kahit magkano pa ang ibayad sa amin. Hindi mabibili ang aming pagkamamamayan.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-20. Nakuha noong 2009-02-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://fr.jpost.com/servlet/Satellite?pagename=JPost/JPArticle/ShowFull&cid=1209627032934[patay na link]
- ↑ 3.0 3.1 3.2 http://web.archive.org/web/20080124062808/http://www.iht.com/articles/ap/2007/12/26/africa/ME-GEN-Iran-Israel.php
- ↑ http://www.csmonitor.com/2007/0427/p01s03-wome.html
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.