Kawali

(Idinirekta mula sa Skillet)

Ang kawali[1] ay isang lutuang bakal na ginagamit bilang prituhan ng pagkain. Karaniwang mula 20 hanggang 30 cm (8 hanggang 12 pul) ang diyametro nito na may medyo mababang bibig na pumapaling palabas, mahabang hawakan, at walang takip. Kapag malaki ang kawali, maaaring may maliit na hawakan ito na katapat ng pangunahing hawakan. Tinatawag na gisahan o sauté pan naman ang mas maliit na lutuan na may bibig na di-gaanong pumapaling sa labas at mas bertikal at kadalasang may takip. Habang magagamit ang gisahan bilang kawali, idinisenyo ito para sa pagluluto sa mababang init.

Isang kawali na gawa sa di-kinakawalang na bakal

Kasaysayan

baguhin

Ginamit ang mga tansong kawali sa sinaunang Mesopotamya.[2] Kilala rin ang mga kawali sa sinaunang Gresya kung saan tagēnon (Greek: τάγηνον[3]) ang tawag nito at sa Roma, kung saan patella o sartago ang tawag nito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "kawali - Diksiyonaryo". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong 10 Marso 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Nemet-Nejat, Karen Rhea (1998). Daily Life in Ancient Mesopotamia [Araw-araw na Pamumuhay sa Sinaunang Mesopotamya] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 126. ISBN 9780313294976. Ginamit ang mga tansong kawali sa sinaunang Mesopotamya. (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. τάγηνον, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, on Perseus