Socotra
Ang Socotra o Socotora (Ingles: Socotra o Soqotra; Arabe سُقُطْرَى ; Suquṭra; Kastila: Socotra o Socotora) ay isang maliit na kapuluang binubuo ng apat ng mga pulo sa Karagatang Indiya palayo mula sa dalampasigan ng Sungay ng Aprika na may ilang 190 mga milyang nautikal (220 mi; 350 km) sa timog ng tangway ng Arabya. Napakanakabukod nito o nakahiwalay, at dahil sa proseso ng espesyasyon, isang-ikatlo ng mga halamang nabubuhay dito ay hindi matatagpuan saan man sa ating planeta. Nilarawan ito bilang lugar na pinakadayuhan ang hitsura sa mundo.[1]
Socotra سقطرى | |
---|---|
Mga koordinado: 12°31′N 53°55′E / 12.51°N 53.92°E | |
Bansa | Yemen |
Lokasyon | Socotra Archipelago Governorate, Yemen |
Lawak | |
• Kabuuan | 3,796 km2 (1,466 milya kuwadrado) |
Populasyon (2005) | |
• Kabuuan | 42,842 |
• Kapal | 11/km2 (29/milya kuwadrado) |
Bahagi ang Socotra ng Republika ng Yemen. Matagal na naging bahagi ito ng Gubernatura ng 'Adan, ngunit nakabit sa Gubernatura ng Hadhramaut noong 2004, na mas malapit sa pulo kaysa 'Adan; at bagaman pinakamalapit na gubernatura rito ang Gubernatura ng Al Mahrah.
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Yemen ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.