Yemen
Ang Republika ng Yemen o Yemen (Arabo: الجمهورية اليمنية), binubuo ng dating Hilaga at Timog Yemen, ay isang bansa sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapaligiran ng Dagat ng Arabia at Golpo ng Aden sa timog at Dagat na Pula sa kanluran, Oman sa timog-silangan at Saudi Arabia sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ay ang Pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog. Ang isang tao o bagay na nagmula sa Yemen ay tinatawag na Yemeni. Ang kabiserang lungsod ng Yemen ay ang Sana'a. Bagaman ang ipinahayag na kabisera ng Yemen ay ang lungsod ng Sana'a, ang lungsod ay nasa ilalim ng kontrol ng rebeldeng Houthi mula noong Pebrero 2015.
Republika ng Yemen الجمهورية اليمنية Al-Jumhūriyyah al-Yamaniyyah | |
---|---|
Salawikain: "Allah, al-Watan, at-Thawra, al-Wehda" "Allah, Bansa, Paghihimagsik, Pagkakaisa" | |
Awiting Pambansa: Republikang Nagkakaisa | |
Kabisera | San‘a’ |
Kabisera habang ipinatapon | Aden |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Arabic |
Katawagan | Yemeni |
Pamahalaan | Republikang Kalahating-presidensyal |
• Pangulo | Abd Rabbuh Mansur Hadi |
Ali Mohammed Mujur | |
Establishment | |
• Pagiisa | May 22 1990 |
Lawak | |
• Kabuuan | 527,968 km2 (203,850 mi kuw) (49th) |
• Katubigan (%) | negligible |
Populasyon | |
• Pagtataya sa July 2008 | 23,013,376 [1] (51st) |
• Senso ng July 2007 | 22,230,531 |
• Densidad | 42/km2 (108.8/mi kuw) (160th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $52.61 billion (81st) |
• Bawat kapita | $2,400 (2007 est.) (132nd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2007 |
• Kabuuan | $21.66 billion [2] (86rd) |
• Bawat kapita | $972 (135th) |
TKP (2007) | 0.508 mababa · ika-153 |
Salapi | Yemeni rial $1 = 198.13 Rials (YER) |
Sona ng oras | UTC+3 |
Kodigong pantelepono | 967 |
Kodigo sa ISO 3166 | YE |
Internet TLD | .ye |
Ang Yemen ay ang pinagmulang lupain ng lahat ng mga Arabo na nasa Gitnang Silangan. Noong sinaunang panahon, ang Yemen ay isang mahalagang sentro ng kalakalan at kapangyarihan. Maraming mga kahariang makapangyarihan ang dating nasa Yemen, kabilang na ang mga Sabaean. Mahalaga rin ang Yemen sa pangangalakal ng mga pampalasa. Nakikilala ang Yemen ng sinaunang mga Romano bilang Arabia Felix ("Masayang Arabia") sa Latin dahil ang pook ay maganda at makapangyarihan.
Noong ika-8 dantaon, ang mga Yemeni ay kabilang sa mga unang sumali sa bagong relihiyong Islam. Magmula noon, ang mga Yemeni ay naging matibay na mga Muslim na naging nasa harapan ng lahat ng mga pananakop na isinagawa para sa Islam, at ang mga taga-Yemen ay dating naging mga pinuno ng Espanyang Islamiko sa loob ng mahigit sa 800 mga taon.
Sa kasalukuyan, ang Yemen ay mayroong 20 milyong katao. Karamihan sa kanila ay nagsasalita ng wikang Arabe.
Mga teritoryong pampangasiwaan
baguhinTingnan din
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Yemen ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.