Ang Solea solea (Ingles: common sole o Dover sole) ay isang uri ng isda ng pamilya Soleidae. Mahilig ito sa mga lugar na may mababaw na tubig at may lupa na tinatabunan ng buhangin o putik. Matatagpuan ito sa Silangang bahagi ng Karagatang Atlantiko mula sa Timog ng Norway hanggang Sengal. Matatagpuan rin ito sa halos lahat ng bahagi ng Dagat Mediterranean. Pumupunta ito sa katimogang bahagi ng Dagat Hilaga kung saan mas mainit ang tubig.

Solea solea
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
S. solea
Pangalang binomial
Solea solea

Ang mga maliliit na mga mata ng isdang ito ay magkadikit at nakikita lamang sa kanang bahagi ng katawan ng isda. Ginagamit ito ng isda sa pag-huli ng mga isda habang nakatago sa buhangin. Ang isda ay pinapanganak na mayroong mata sa magkabilang bahagi ng katawan. Subalit ito ay nagiiba pag umabot na ito sa haba na isang sentimetro. Umaabot ang isda ng 70 sentimetro na haba.

Ang S. solea ay kilala sa kanyang parang mantikilya na lasa at sa kanyang fillet na ginagamit sa iba't ibang putahe.[1]

Ang Ingles na katawagang "Dover" ay nagmula sa bayan ng Dover, isang Ingles na daungan na naging kilalang bagsakan ng isda noong ika-19 na siglo. Ang Dover sole ay pinantatawag din sa Silangang Pasipikong uri na Microstomus pacificus. Ang fillets ng Pasipikong dover ay mas manipis at matibay kaysa sa S. solea at mabibili sa mas mura na halaga.

Mga sanggunian

baguhin
  • Clover, Charles. 2004. The End of the Line: How overfishing is changing the world and what we eat. Ebury Press, London. ISBN 0-09-189780-7
  1. [1]

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.