Miron

(Idinirekta mula sa Solo)
Huwag itong ikalito sa meron o pagkamayroon.

Ang pagmimiron ay ang panonood sa sugal, laro o mga kaganapan. Ang mga nagmimiron o tagapanood ay tinatawag na "miron". Ito ay kadalasang naipagkakamali sa mga "kibitzer". Ang mga kibitzer ay mga nagbibigay ng mga hindi hinihinging payo. Samantalang sa pagmimiron, maituturing na mabuting pagmimiron ang hindi pagbibigay ng payo sapagkat ito ay maituturing na panggugulo at panghihimasok sa mga diskarte ng manlalaro.

Kainaman ng mga miron

baguhin

Ang pagmimiron ay may mga kainaman. Ilan laman sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Sila ay nagsisilbing tagabantay. Naiiwasan ang pandaraya sa sugal, laro o kahit ano pang di magandang pangyayari kung ang mga kalahok dito ay nakaaalam na may mirong nagbabantay o nanonood.
  • Sila ay napakikiusapang na bumili ng maliliit na bagay ng mga manlalaro kung walang mauutusan. Halimbawa nito ay ang mga baraha (sa pagkakataon na ang baraha ay naluma na, o kailangang paltan), sigarilyo, inumin o pagkain ng mga nagsusugal. Sila ay maaring mautusan at mabayaran kapalit ng serbisyo.
  • Sila ay maaring pumalit o magrositas o rosi. Kung may di inaasahang pagkakataon na ang manlalaro ay kailangang tumayo o umalis sa panahon ng kaganapan, ang mga meron ay maaring umasta bilang rosi, o magrosi. Ang pagrorosi ay ang paglalaro sa ngalan o bisa ng iba pang manlalaro ("in behalf of", "in the name of"). Sa pagkakataon na sila ay nagrorosi, ang talo o panalo nila ay maituturing na panalo o talo rin ng manlalarong kaniyang pinalitan.
  • Sila ay maaring pumalit sa manlalaro, sugarol o tagapagpaganap ng pangyayari o aktibidad. Kung sakaling ang isa sa manlalaro ay kailangan nang umayaw, ang mga miron ay kadalasang pumapalit. Sa pagpalit na ito, ginagamit niya ang sarili niyang pera.

Hindi kainaman ng mga miron

baguhin
  • May pagkakataon na ang mga miron ay nagigising behikulo ng pandaraya. Sila ay maaring magbigay ng senyas o signos na nakikilala ng isa sa mga manlalaro.
  • Ang pagmimiron ay nakaaapekto sa paglalaro ng ibang manlalaro na hindi sanay na pinapanood sa kaniyang pagdiskarte.
  • Ang pagmimiron ay nagiging umpisa ng away kapag nagsimulang magbigay ito ng opinyon upang itama o ituwid ang diskarte ng manlalaro.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.