Solubilidad
Sa kimika, ang solubilidad ay kakayahan ng isang sustansiya, ang solute o itutunaw, na makabuo ng solusyon kasama ng isa pang sustansiya, ang solvent o pantunaw. Insolubilidad ang kabaligtaran nito, ang kawalan ng kakayahan ng solute na matunaw para mabuo ang ganoong solusyon.
Sinusukat kung gaano ka-soluble o matunawin ang isang sustansiya sa isang partikular na pantunaw bilang konsentrasyon ng solute sa isang saturadong solusyon, kung saan wala nang maitutunaw na solute.[1] Sa puntong ito, maisasabi na nasa ekilibriyo ng solubilidad ang dalawang sustansiya. Para sa mga ilang solute at solvent, maaaring walang ganoong limitasyon, kung saan maisasabi na ang dalawang sustansiya ay "miscible sa lahat ng proporsyon" (o "miscible" lamang).[2]
Ang solute ay maaaring maging solido, likido, o gas, habang madalas na solido o likido ang solvent. Maaari maging purong sustansiya ang dalawa, o maaaring solusyon sila mismo. Palaging miscible ang mga gas sa lahat ng mga proporsyon, maliban sa mga matitinding na sitwasyon,[3] at maaari lamang "tunawin" ang solido o likido sa gas kapag dumaan muna ito sa anyong gas.
Talasalitaan
baguhin- ↑ IUPAC, Compendium of Chemical Terminology, Ika-2 ed. (ang "Gold Book") (1997). Naitamang online na bersyon: (2006–) "Solubility". doi:10.1351/goldbook.S05740
- ↑ Clugston, M.; Fleming, R. (2000). Advanced Chemistry [Nakahihigit na Kimika] (sa wikang Ingles) (ika-1st (na) edisyon). Oxford: Oxford Publishing. p. 108.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ J. de Swaan Arons and G. A. M. Diepen (1966): "Gas—Gas Equilibria" (sa wikang Ingles). Journal of Chemical Physics, tomo 44, isyu 6, pahina 2322. doi:10.1063/1.1727043