Si Sonia Gandhi (Hindi: सोनिया गांधी; ipinanganak na Edvige Antonia Albina Maino[1][2] noong 9 Disyembre 1946) ay isang Indiyanong politiko na ipinanganak sa Italya. Siya ang ex former pangkasalukuyang Pangulo ng Partido ng Pambansang Kongreso ng Indiya, tagapangasiwa ng namumunong Nagkakaisang Progresibong Alyansa sa Lok Sabha, at pinuno ng Parlamentaryong Partido ng Kongreso. Siya ang pinakamatagal na naglilingkod na pangulo ng partido ng Kongreso.[3]

Sonia Gandhi (2007)

Pinangalanan si Gandhi bilang ikatlong pinakamakapangyarihang babae sa mundo ng magasing Forbes noong 2004[4] at nairanggo bilang ika-6 noong 2007.[5] Pinangalanan din siya bilang kasama sa 100 pinakamaimpluwensiyang mga tao sa mundo ng magasing Time para sa mga taon ng 2007[6] at 2008.[7] Itinala ng magasing Britaniko na New Statesman si Sonia Gandhi bilang ika-29 sa kanilang taunang pagtatanong para sa "The World's 50 Most Influential Figures" (50 Pinakamaimpluwensiyang mga Tao ng Mundo) noong 2010.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sonia Gandhi - Britannica
  2. Paranjoy Guha Thakurta, Shankar Raghuraman (2007). Divided we stand: India in a time of coalitions. Los Angeles : SAGE Publications. p. 148. ISBN 978-0761936633. {{cite book}}: Missing |author1= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Fourth time in a row, Sonia Gandhi is Congress chief
  4. Sonia Gandhi 3rd most powerful woman Naka-arkibo 2012-01-13 sa Wayback Machine.. Nakuha noong 23 Marso 2007.
  5. Sonia Gandhi in Forbes' list for 2007, nakuha noong 31 Agosto 2007
  6. Sonia Gandhi among Time's 100 for 2007 Naka-arkibo 2013-08-03 sa Wayback Machine., nakuha noong 14 Mayo 2007
  7. Sonia Gandhi among Time's 100 for 2008 Naka-arkibo 2013-08-22 sa Wayback Machine., nakuha noong 1 Mayo 2008.
  8. "Sonia Gandhi - 50 People Who Matter 2010". New Statesman. Nakuha noong 4 Oktubre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.