Sosyolingguwistika

Ang sosyolingguwistika ay ang pag-aaral ng epekto ng anuman o lahat ng mga asepto ng lipunan, kabilang ang mga kalakarang pangkultura, mga ekspektasyon o inaasahan, at diwa o konteksto, sa kung paano ginagamit ang wika, at ang mga epekto ng paggamit ng wika sa lipunan. Kaiba ang sosyolingguwistika mula sa sosyolohiya ng wika dahil nakatuon ang sosyolingguwistika sa epekto ng lipunan sa wika, habang ang sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa epekto ng wika sa lipunan. Sumasaklaw ng malaking bahagi ang sosyolingguwistika sa pragmatika. Pangkasaysayang napakamalapit ng kaugnayan nito sa lingguwistikong antropolohiya at ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang larangan ay pinagtatalunan kamakailan lamang.[1]

Pinag-aaralan din sa sosyolingguwistika ang kung paanong ang mga baryasyon o pagkakaiba-iba sa iisang wika ay magkakaiba sa pagitan ng mga pangkat na pinaghihiwalay ng partikular na mga pagbabagu-bagyo o mga baryabol, katulad ng etnisidad, relihiyon, katayuan sa lipunan, edad, at iba pa, at kung paanong ang paglikha at pagsunod sa mga panuntunang ito ay ginagamit upang ikategorya ang mga indibiduwal sa mga klaseng panglipunan at sosyoekonomiko. At dahil sa paggamit ng isang wika ay nag-iiba-iba sa iba't ibang mga lugar (diyalekto), ang panggamit ng wika ay nag-iiba-iba sa mga antas na panglipunan, at ang mga sosyolektong ito ang pinag-aaralan ng mga sosyolingguwista.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.