Tungkol sa tipo ng titik na Souvenir ang artikulong ito. Ang souvenir ay salitang Ingles din para sa paalaala.

Ang Souvenir ay isang serif na pamilya ng tipo ng titik na dinisenyo noong 1914 ni Morris Fuller Benton para sa American Type Founders. Maluwag na batay ito sa Schelter-Antiqua at Schelter-Kursiv, isang tipo noong 1905 na Art Nouveau ng J.G. Schelter & Giesecke foundry sa Leipzig, Alemanya.[1] Mas malambot tingnan ito kaysa ibang mga lumang estilong tipo, na may isang itsurang maliwanag at bilugang serif, at napakaliit ng kaibahan sa pagitan ng makapal at manipis na mga guhit.[2]

Souvenir
KategoryaSerif
Mga nagdisenyoMorris Fuller Benton
FoundryAmerican Type Founders
Petsa ng pagkalabasSetyembre 1914

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Souvenir Origins" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 7, 2013. Nakuha noong Pebrero 2, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cost, Patricia A., The Bentons: How an American Father and Son Changed the Printing Industry, RIT Cary Graphic Arts Press, Rochester, New York, 2011, ISBN 978-1-933360-42-3, p. 220-223. (sa Ingles)