Spam sa pagmemensahe

Ang spam sa pagmemensahe (o messaging spam), tinatawag din minsan bilang SPIM,[1][2][3] ay isang uri ng pag-spam na tinatarget ang mga tagagamit ng serbisyong dagling pagmemensahe o instant messaging (IM), SMS, o pribadong mensahe sa loob ng mga websayt.

Mga aplikasyon na dagling pagmemensahe

baguhin
 
Spam sa mga mensahe sa Telegram.

Tinatarget ng lahat ng mga nag-i-spam ang mga sistema ng dagling pagmemensahe, tulad ng Telegram, WhatsApp, Twitter Direct Messaging, Kik, Skype at Snapchat. Maraming mga serbisyong IM ay publikong nakakabit sa mga platapormang social media, na maaring naglalaman ng impormasyon tungkol sa gulang, kasarian, lokasyon at mga interes. Tinitipon ng mga nagpapatalastas at mga manloloko ang mga impormasyon na ito, at naglo-login sa serbisyo, at nagpapadala ng mga hindi hiniling na mensahe na maaring maglaman ng mga link na panloloko, pornograpiyang materyal, malware o ransomware. Sa karamihan ng mga serbisyo, maaring iulat at harangin ng mga tagagamit ang mga account na spam, o itakda ang kagustuhan sa pagkapribado upang iyon lamang na nasa kontak nila ang makapagpapadala sa kanila.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "CNET: Spim, splog on the rise" (sa wikang Ingles). News.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-12-14. Nakuha noong 2013-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Spam being rapidly outpaced by spim" (sa wikang Ingles). New Scientist. 2004-03-26. Nakuha noong 2013-07-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Spamfo: SPIM, your new spam Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. (sa Ingles)