Espigmomanometro

(Idinirekta mula sa Spigmomanometro)

Ang espigmomanometro o ispigmomanometro ay isang aparatong panukat sa presyon ng dugo.[1] May dalawang bahagi ang isang espigmomanometro: isang punyos (cuff) na binibintog upang limitahan ang daloy ng dugo, at ang isang manometro, de-asoge, mekanikal o elektroniko man, na nagsusukat ng presyon. Ginagamit ito kasabay ng paraan upang maisuri ang presyon ng dugo sa simula, at ang presyon nito kapag hindi hinaharangan ang daloy ng dugo: halimbawa, sa mekanikal na espigmomanometro, ginagamit ito kasabay ng estetoskopyo.

Presyon na 120/74 mmHg bilang resulta sa elektronikong espigmomanometro.
Isang mekanikal na espigmomanometro na may punyos para sa mga matatanda.

Nagmula ang salitang "espigmomanometro" sa salitang esfigmomanómetro sa Espanyol, na nagmula naman sa Griyegong sphygmós (pulso), kasama ang salitang pang-agham na manometro (panukat ng presyon). Inimbento ito noong 1881 ni Samuel Siegfried Karl Ritter von Basch, isang doktor mula sa Austria.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Sphygmomanometer n.- instrumentong panukat ng presyon ng dugo; ispigmomanometro. - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.