Spring Day (kanta)

Ang "Spring Day" (Koreano: 봄날; RR: Bomnal) (lit. na Araw ng Tagsibol) ay isang kanta na ni-record ng Timog Koreanong boy band na BTS para sa kanilang 2017 album na You Never Walk Alone, isang repackage ng kanilang pangalawang wikang Koreanong studio album, Wings (2016). Ang kanta ay isinulat ni "Hitman" Bang, RM, Suga, Adora, Arlissa Ruppert, Peter Ibsen, at ang producer nitong si Pdogg. Ito ay inilabas para sa digital download at streaming noong 13 Pebrero 2017, bilang lead single ng album ng Big Hit Entertainment. Ang isang remix ng kanta ay inilabas nang libre sa pamamagitan ng SoundCloud noong 4 Hunyo 2018. Isang Hapones na bersiyon ng kanta ang inilabas noong 10 Mayo 2017, sa pamamagitan ng Universal Music Japan, bilang B-side ng solong album na kasama ang mga track na "Blood Sweat & Tears" at "Not Today", na parehong nasa Hapones. Ang kanta ay isang alternatibong hip hop at pop rock power ballad, na umaasa sa instrumentalisasyong rock. Ang mga liriko ay umiikot sa mga tema ng pagkawala, pananabik, kalungkutan, at pagpapatuloy.

"Spring Day"
Single ni BTS
mula sa album na You Never Walk Alone and Face Yourself
Nilabas13 Pebrero 2017 (2017-02-13)
Tipo
Haba4:34
Tatak
Manunulat ng awit
ProdyuserPdogg
BTS singles chronology
"Blood Sweat & Tears"
(2016)
"Spring Day"
(2017)
"Not Today"
(2017)
Music video
"Spring Day" sa YouTube

Nakatanggap ang kanta ng unibersal na kritikal na pagpupuri mula sa kritiko ng musika, na pinuri ang produksiyon nito, mga sentimental na liriko, at paghatid ng BTS ng boses. Nakatanggap ang "Spring Day" ng ilang parangal, kabilang ang Kanta ng Taon sa Gawad Musikang Melon 2017, at lumabas sa listahan ng Billboard bilang isa sa pinakamahuhusay na kantang K-pop sa dekada. Pinangalanan ito ng Rolling Stone na isa sa mga pinakadakilang kantang boy band sa buong kasaysayan. Sa komersiyal, ang kanta ay isang tagumpay sa Tiog Korea na nag-debut sa numero uno sa Talaang Digital ng Gaon, at mula noon ay nakapagbenta na ito ng mahigit 2.5 milyong kopya sa bansa. Umakyat din ang kanta sa bilang 15 sa US Billboard Bubbling Under Hot 100.

Ang music video para sa kanta ay idinirekta ni YongSeok Choi at pinalabas noong 12 Pebrero 2017. May inspirasyon ng nobela ni Ursula K. Le Guin na "The Ones Who Walk Away from Omelas " (1973) at ng pelikula ni Bong Joon-ho na Snowpiercer (2013), tinuklas ng video ang mga konsepto ng kamatayan, kabilang buhay, at pagsasara. Ang biswal nito ay pinuri ng mga kritiko para sa mabigat na simbolismo nito at ginawaran ng Best Music Video sa Gawan Mnet Musikang Asyano 2017. Ang BTS ay nagpakilala ng "Spring Day" sa pamamagitan ng telebisyon sa mga live na palabas sa iba't ibang programang pangmusika sa Timog Korea, kabilang ang M! Countdown, Music Bank, at Inkigayo. Ang kanta ay kasama rin sa set list ng ikalawang pandaigdigang konsiyertong tour ng banda, The Wings Tour (2017).

Mga kredito at tauhan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. You Never Walk Alone (CD Booklet). South Korea: Big Hit Entertainment. Pebrero 13, 2017.{{cite mga pananda sa midyang AV}}: CS1 maint: date and year (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang cdliner1); $2
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang remix); $2

 

baguhin
  1. All credits are for both the Korean and Japanese versions of the song unless otherwise specified.