St. Joseph School ng Lungsod ng San Jose

Ang St Joseph School ng Lungsod ng San Jose (St. Joseph School of San Jose City, N.E., Inc.) ay itinatag noong 1946. Ito ay dating kilala bilang St. Joseph School, na ipinangalan sa bayan ng lungsod ng San Jose, Nueva Ecija. Ang paaralang ito ay isang non-profit, at pribadong Katolikong elementarya at sekondaryang paaralan na matatagpuan sa gitna ng San Jose City, Pilipinas . Ang elementarya at sekondaryang paaralan ay kilala bilang Center of Elementary at Secondary Education sa Lungsod ng San Jose, Nueva Ecija dahil matatagpuan ito sa Lungsod ng San Jose, isang lungsod sa gitnang bahagi ng Pilipinas . Ang sangay ng elementarya ng paaralan ay nasa malapit sa pamilihang lungsod, sa tabi ng Munisipyo, sa tabing kalsada ng Bonifacio St. habang ang sangay ng mataas na paaralan ay matatagpuan malapit sa Mary Help of Christian Church, mga hotel at mga kainan sa kahabaan ng Barangay Malasin.

St. Joseph School of San Jose City, N.E., Inc.
Address
Map
Bonifacio St.
Coordinates15°47′34″N 120°59′22″E / 15.792677°N 120.989363°E / 15.792677; 120.989363
Impormasyon
TypeNon-profit Private School
MottoGiving Christ centered quality education and holistic formation towards building a faith community.
Religious affiliation(s)Katoliko
ItinatagJune 19, 1946
DirectorRev. Fr. Ronald Rhoel T. Ocampo
PrincipalSr. Myrna I. Pinera, SFIC
GradesK to 12
Number of students800 (estimated)
Color(s)Battle green     
NicknameThe Josephians
AffiliationsCatholic Educational Association of the Philippines (CEAP)

Kasaysayan

baguhin

Ang St Joseph School ng Lungsod ng San Jose ay isang institusyong Katoliko para sa pag-aaral. Itinatag ito noong 1946 ni Reverend Theodore Keat, MSC, na dating pari ng parokya ng San Jose, Nueva Ecija . Ito ay ang katuparan ng matagal na pagnanais ng mga parokyano ng simbahan para sa isang Katolikong paaralan. [1]

Ang St Joseph School ng Lungsod ng San Jose ay itinatag noong Hunyo 19, 1946. Ang St Joseph School ay isang parochial School. Mula nang itinatag ito, ito ay pinamamahalaan ng mga Missionaries of the Sacred Heart at ang Franciscan Sisters of the Imaculate Conception .

Noong 1986, ang mga Missionaries of the Sacred Heart (MSC) ay ipinasa ang pamamahala ng paaralan sa Diyosesis at ang Franciscan Sisters of the Immaculate Conception ay nagpatuloy sa kanilang mga serbisyo sa diosesis sa pamamagitan ng pangangasiwa ng institusyon.

Nag-aalok ang St. Joseph School ng K to 12. Ito ay isang Co-educational. Ang institusyon ay miyembro ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) [2],at ng Nueva Ecija Catholic Schools Association (NESCA).[3][4]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "St. Joseph School" History of St. Joseph School
  2. "Who we are" Naka-arkibo 2009-04-06 sa Wayback Machine. Catholic Educational Association of the Philippines
  3. "Featured Vision-Mission"[patay na link], Association of Catholic Schools
  4. "St. Joseph School Of San Jose City, Nueva Ecija, Inc". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-08. Nakuha noong 2019-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)