Star Wars Episode I: The Phantom Menace
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Star Wars Episode I: The Phantom Menace, o Star Wars Unang Bahagi: Ang Tagong Panganib sa wikang Tagalog, ay isang kathang makaagham na pelikula na ipinalabas ng taong 1999 at likha ni George Lucas. Ito ang ikaapat na pelikulang Star Wars na ipinalabas sa mga sinehan, subalit ang pinakauna sa pagkakasunod sunod ng mga bahagi ng buong Star Wars saga. Ang kuwento ng pelikula ay patungkol sa dalawang kabalyerong Jedi, na ginanapan nina Liam Neeson at Ewan McGregor, na tumakas sa planetang Naboo kasama ang reyna nito, upang mabigyang solusyon ang problemang kasalukuyang hinaharap ng pamahalaan ng planeta. Sa kanilang pagtakas, napadpad sila sa planetang Tatooine kung saan nila nakilala ang isang batang alipin na nagngagalang Anakin Skywalker (na ginanapan ni Jake Lloyd), na may kakaibang katangian at kapangyarihan na may kaugnayan sa mahiwagang Puwersa. Sa kanilang pagbabalik sa planetang Naboo, natuklasan ng mga Jedi na ang problema ay mas malala pa kaysa sa kanilang inasahan — ang pagbabalik ng mapanganib na Sith.
Star Wars Episode I: The Phantom Menace | |
---|---|
Direktor | George Lucas |
Prinodyus | Rick McCallum George Lucas |
Sumulat | George Lucas |
Itinatampok sina | Liam Neeson Ewan McGregor Natalie Portman Jake Lloyd Ian McDiarmid Samuel L. Jackson Pernilla August |
Musika | John Williams |
Sinematograpiya | David Tattersall |
In-edit ni | Ben Burtt |
Tagapamahagi | 20th Century Fox |
Inilabas noong | 19 Mayo 1999 (Estados Unidos) |
Haba | 133 min. |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Badyet | $115,000,000 |
Ang pagpapalabas ng pelikulang ito noong 19 Mayo 1999 ay naganap nang halos labing-anim na taon pagkatapos ipalabas ang pelikula bago ito, ang Return of the Jedi. Sinumulan ni Lucas ang paggawa sa pelikula nang nasigurado niyang sapat na ang teknolohiya para magawa niya ang mga visual effects na gusto niya para sa mga pelikula ng Star Wars.
Sa gitna ng mga iba-ibang mga reaksiyon ng mga kritiko sa pelikula, nakuha pa ring kumita ng pelikulang ito ng US$ 924.3 milyon mula sa iba't ibang panig ng mundo, na siyang pinakamataas na kita sa lahat ng mga pelikula ng Star Wars.
Mga gumanap
baguhin- Liam Neeson bilang Qui-Gon Jinn. Isang Gurong Jedi at tagapagsanay ni Obi-Wan. Nang matuklasan niya si Anakin, ipinilit niya na ang bata ay maturuan ng mga paraan ng mga Jedi sa kabila ng pagtutol ng Konseho ng Jedi.
- Ewan McGregor bilang Obi-Wan Kenobi. Ang batang mag-aaral sa ilalim ni Qui-Gon. Mataas ang pagtingin niya sa kanyang guro, subalit paminsan-minsan ay kinakalaban din niya ang mga paraan ni Qui-Gon na hindi niya maintindihan.
- Natalie Portman bilang Padme/Reyna Amidala. Ang batang reyna ng Naboo, na malaki ang hangaring mapigil ang pananakop na ginagawa ng Kalipunan ng Kalakalan sa kanyang tahanang-planeta.
- Jake Lloyd bilang Anakin Skywalker. Isang batang alipin na nagtataglay ng mataas na bilang ng midi-chlorian na wala ang ibang mga Jedi, kung kaya't may kakaibang kakahayan mula sa Puwersa.
- Ian McDiarmid bilang Palpatine. Ang kasalukuyang senador ng Naboo, na labis ang pag-aalala sa nangyayari sa kanyang planeta at siyang nagtanggol dito sa Senado.
- Pernilla August bilang Shmi Skywalker. Ang ina ni Anakin, na labis na nag-alala sa hinaharap ng kanyang anak, at kailangan nitong pakawalan ang anak upang matupad ang nakatakda nitong kapalaran.
- Samuel L. Jackson bilang Mace Windu. Isa sa kabilang sa konseho ng Jedi na tumutol sa pagsasanay kay Anakin.
- Frank Oz bilang boses ni Yoda. Isa sa mga puno ng konseho ng Jedi, na hindi sigurado sa hinaharap ni Anakin.
- Silas Carson bilang Nute Gunray. Ang puno ng Kalipunan ng Kalakalan na sumakop sa planetang Naboo.
- Ray Park bilang Darth Maul. Isang mag-aaral ng Sith na gumamit ng dobleng-talim na lightsaber.
- Anthony Daniels bilang C-3PO. Ang droid na likha ni Anakin na kulang sa bakal na balat na ayon kay R2-D2 ay 'hubad'.
- Kenny Baker bilang R2-D2. Isang astromech droid na nagawang maayos ang sasakyan ng reyna.
- Ahmed Best bilang Jar Jar Binks. Isang malikot na Gungan na pinalayas mula sa kanyang bayan. Sinamahan niya sina Qui-Gon at Obi-Wan sa buong pelikula.
- Andy Secombe bilang Watto. Isang mangangalakal na amo ng mag-inang aliping sina Shmi at Anakin.
- Terence Stamp bilang Finis Valorum. Ang kasalukuyang pinuno ng Republika na nag-atas kina Qui-Gon at Obi-Wan para makipag-ayos sa Kalipunan ng Kalakalan.