Star Wars Episode III: Revenge of the Sith

Ang Star Wars Episode III: Revenge of the Sith o Star Wars Ikatlong Bahagi: Paghihiganti ng Sith sa wikang Tagalog ay isang pelikula sa wikang Ingles na likha at sinulat ni George Lucas. Ito ang ikaanim at huli sa mga pelikulang ginawa para sa kuwento ng Star Wars subalit ikatlo sa pagkakasunod sunod ng mga bahagi ng buong saga.

Star Wars Episode III:
Revenge of the Sith
DirektorGeorge Lucas
PrinodyusRick McCallum
George Lucas
SumulatGeorge Lucas
Itinatampok sinaEwan McGregor
Hayden Christensen
Natalie Portman
Ian McDiarmid
Samuel L. Jackson
Christopher Lee
MusikaJohn Williams
SinematograpiyaDavid Tattersall
In-edit niRoger Barton
Ben Burtt
Tagapamahagi20th Century Fox
Inilabas noong
19 Mayo 2005 (Estados Unidos)
Haba
146 min.
Bansa Estados Unidos
WikaIngles
Badyet$113,000,000

Ang kuwento ng pelikula ay naganap tatlong taon pagkatapos ng simula ng Digmaan ng Kopya, ang buong kapatiran ng Jedi ay naghiwa-hiwalay at nagkalat sa lahat ng panig ng sangkalawakan upang mamuno sa libu-libong mga sundalong kopya laban sa mga grupong nagbabanta laban sa Republika, ang mga Separatista. Pagkatapos na ang Punong Palpatine ay mahuli ng mga kaaway, inatasan sina Obi-Wan Kenobi at ang dati nitong mag-aaral na si Anakin Skywalker para siya ay iligtas at mapigil si Heneral Grievous, ang puno ng mga droid. Samantala, nagdulot ng pagdududa ang pakikipagkaibigan ni Anakin sa Puno ng Republika sa matataas sa mga Jedi. Nang mabunyag ang tangkang pananakop ng isang mapanganib na Sith, si Darth Sidious, nanganib ang kapalaran ni Anakin, ng Kapatiran ng Jedi, at ng buong sangkalawakan.

Mga gumanap

baguhin
  • Ewan McGregor bilang Obi-Wan Kenobi. Si Obi-Wan ay isang heneral para sa Sangkalawakang Republika at isang gurong Jedi na kabilang sa Konseho ng Jedi. Madalas ang kanyang paglalakbay at pagsasakatuparan ng nakaatas sa kanya na mga misyon kasama ang matalik niyang kaibigan at dating mag-aaral na si Anakin.
  • Hayden Christensen bilang Anakin Skywalker. Naging pinakabatang Jedi na hinirang upang maging kabilang ng Konseho ng Jedi, subalit nanatiling mag-aaral ni Obi-Wan at hindi pinagkalooban ng ranggong 'Guro'. Nang malaman niya na ang asawa'y nagdadalang-tao, nagkaroon siya ng mga pangitain na ang kanyang asawa'y mamatay sa panganganak. Dahil sa pagkakaroon ng katulad na karanasan bago ang kamatayan ng kanyang ina, ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi mangyari ang kanyang pangitain.
  • Natalie Portman bilang Senador Padmé Amidala. Ang lihim na asawa ni Anakin, at kamakailan lang ay nagdalang-tao. Bilang Senador ng Naboo, maigi niyang binabantayan ang Puno ng Republika na unti-unti ay lumalakas ang kapangyarihan at kontrol sa pamahalaan.
  • Ian McDiarmid bilang Palpatine. Bilang Puno ng Republika, si Palpatine ang nagpatupad ng pakikipaglaban sa mga Separatista na siyang nagpasimula sa Digmaan ng mga Kopya.
  • Samuel L. Jackson bilang Mace Windu. Kabilang sa Konseho ng Jedi at isa ring Heneral na Jedi.
  • Frank Oz bilang boses ni Yoda. Ang matanda at matalinong puno ng Konseho ng Jedi na halos 900 na taon ang tanda.
  • Matthew Wood bilang Henral Grievous. Ang Pinuno ng mga droid na siyang pangunahing sandatahang lakas ng mga Separatista. Sumusunod lamang siya kay Konde Dooku at sa amo nitong si Darth Sidious.
  • Temuera Morrison bilang Iba't ibang mga Sundalong Kopya. Ang mga sundalong kopya na naglilingkod sa Sangkalawakang Republika.
  • Silas Carson bilang Nute Gunray. Ang puno ng Kalipunan ng Kalakalan na pinagtaksilan ng pinaglilingkuran niyang misteryosong Sith.
  • Anthony Daniels bilang C-3PO. Ang alalay ni Senador Padme.
  • Kenny Baker bilang R2-D2. Ang droid ni Anakin at kaibigan ni C-3PO.
  • Jimmy Smits bilang Senador Bail Organa. Senador ng Republika na nangangamba sa papalakas na kapangyarihan ng Puno ng Republika.
  • Christopher Lee bilang Konde Dooku. Ang mag-aaral ni Darth Sidious at puno ng mga Separatista.
  • James Earl Jones bilang boses ni Darth Vader.