Pag-uuring pambituin
Sa astronomiya, ang pag-uuring pambituin ay isang pag-uuri sa mga bituin na nakabatay sa kanilang katangiang ispektrum. Ang klaseng ispektral ng isang bituin ay isang ginawang klase ng isang bituin na naglalarawan sa ionisasyon ng kanyang potospera (ang atomikong eksitado na prominante sa liwanag), na nagbibigay ng isang obhektibong sukatan ng temperatura ng potospera. Sinusuri ang liwanag na nagmumula sa bituin sa pamamagitan ng paghihiwalay gamit ang diffraction grating, na hinahati pa lalo ang paparating na mga photon sa isang ispektum na nagpapakita ng isang bahaghari ng mga kulay kasabay ng mga tagasipsip na linya, na ang bawat linya ay nagsasabi ng kakaibang ion ng isang kemikal na elemento.[1][2][3] Ang pagkakaroon ng isang kemikal na elemento sa isang tagasipsip na ispektrum ay nagpapahiwatig na ang kondisyon ng temperatura ay tama lamang para sa isang eksitado ng elemento. Kung nalaman ang temperatura ng bituin sa pamamagitan ng pangkalahatan ng tagasipsip na linya, ang hindi kadalasang pagkawala o lakas ng mga linya ng isang elemento ay maaaring magsabi ng isang hindi kadalasang kompuwestong kemikal ng potospera.
Talababa
baguhin- ↑ Analyse spectrale de la lumière de quelques étoiles, et nouvelles observations sur les taches solaires, P. Secchi, Comptes Rendus des Séances de l'Académie des Sciences 63 (July–December 1866), pp. 364–368.
- ↑ Nouvelles recherches sur l'analyse spectrale de la lumière des étoiles, P. Secchi, Comptes Rendus des Séances de l'Académie des Sciences 63 (July–December 1866), pp. 621–628.
- ↑ pp. 60, 134, The Analysis of Starlight: One Hundred and Fifty Years of Astronomical Spectroscopy, J. B. Hearnshaw, Cambridge, UK: Cambridge University Press, 1986, ISBN 0-521-25548-1.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.