Si Wardell Stephen "Steph" Curry II (ipinanganak noong 14 Marso 1988) ay isang Amerikanong propesyunal na manlalaro ng basketbol sa koponang Golden State Warriors ng Kapisanan ng Pambansang Basketbol o National Basketball Association (NBA). Itinuturing siya ng iba bilang pinakamahusay na mambubuslo (shooter) sa kasaysayan ng NBA. Natamo ni Curry ang parangal bilang Pinakamakabuluhang Manlalaro o Most Valuable Player (MVP) ng NBA noong taong 2015, at tatlong ulit din siyang naging NBA All-Star.

Stephen Curry
No. 30 – Golden State Warriors
PositionPoint guard
LeagueNBA
Personal information
Born (1988-03-14) 14 Marso 1988 (edad 36)
Akron, Ohio
NationalityAmerikano
Listed height6 tal 3 pul (1.91 m)
Listed weight190 lb (86 kg)
Career information
High schoolCharlotte Christian
(Charlotte, North Carolina)
CollegeDavidson (2006–2009)
NBA draft2009 / Round: 1 / Pick: ika-7 overall
Selected by the Golden State Warriors
Playing career2009–kasalukuyan
Career history
2009–kasalukuyanGolden State Warriors
Career highlights and awards
Stats at NBA.com
Stats at Basketball-Reference.com

Si Curry ay anak ng dating manlalaro ng NBA na si Dell at nakatatandang kapatid ng kasalukuyang manlalarong si Seth. Naglaro siya sa pangkolehiyong basketbol para sa koponang Davidson. Doon, hinirang siyang Manlalaro ng Taon sa Katimugang Kumperensiya (Southern Conference Player of the Year) nang dalawang beses, at bumura ng mga rekord ng iskor para sa Davidson at sa Katimugang Kumperensiya. Noong kanyang ikalawang taon, nagtala rin siya ng rekord sa NCAA para sa mga nagawang tatlong-puntos na pagbuslo (three-pointers shot).

Napili si Curry bilang ikapitong bagong manlalaro sa 2009 NBA draft ng Golden State Warriors. Noong kapanahunang 2012–13, nagtakda siya ng rekord sa NBA para sa mga tatluhang-puntos niyang nagawa sa isang regular na kapanahunan, na may bilang na 272. Nang sumunod na taon, sina Curry at ang kanyang kasama sa koponang si Klay Thompson ay binigyang-palayaw bilang "Splash Brothers" habang patungo sa pagtatala ng rekord sa NBA para sa pinagsamang tatluhang-puntos sa isang kapanahunan, na may bilang na 484. Noong 2014-15, binasag ni Curry ang sarili niyang rekord para sa pagkakaroon ng tatluhang-puntos na nagawa sa isang regular na kapanahunan, sa bilang na 286. Nang taon ding iyon, pinangunahan niya ang Warriors tungo sa kanilang unang kampeonato sa NBA mula noong 1975.