Strafgesetzbuch § 86a
Ang seksiyong 86a ng Strafgesetzbuch (Kodigong Kriminal) ng Alemanya ang nagbabawal sa "paggamit ng simbolo ng mga organisasyon na labag sa saligang batas" sa labas ng konteksto ng "sining o siyensiya, pananaliksik o pagtuturo". Hindi pinapangalangan ang mga simbolong ipinagbabawal at walang malawak na listahan nito, ngunit ang batas na ito ay pangunahing ginagamit sa pagbabawal ng mga simbolo sa anumang uri kabilang ang mga bandila, uniporme, talaksan at pamamaraan ng pagbati na ginagamit ng mga organisasyon tulad ng Partidong Nazi at mga grupong nasa pamumuno nito, ang teroristang grupong ISIS, mga partidong Komunista, at ang Ku Klux Klan.
Maari namang gamitin ang mga nasabing simbolo sa sining, panitikian o kasaysayan, tulad ng palabas sa telebisyon, libro o pelikula, ngunit noon lamang 2018 ipinahintulot ang pagpapalathala ng mga larong bideyo na nagtataglay ng mga ipinagbabawal na simbolo. Nagdesisyon ang pangunahing abogado (Generalbundesanwalt) na hindi ipagbawal ang Bundesfighter II Turbo dahil sa mga nasabing simbolo, sa kadahilanang ang utos ng Korte ng Mataas na Distrito ng Frankfurt ay hindi na naaayon sa kasalukuyang panahon; ang Unterhaltungssoftware Selbstkontrolle (USK) ang nagpapataw ng rating sa mga larong bideyo at walang dahilan na hindi ituring na anyong sining ang mga ito. Kabilang sa mga larong unang ipinagbawal ayon sa seksiyong 86a ay ang Wolfenstein 3D at mga laro sa seryeng Call of Duty na base sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.