Ang submersible (bigkas sa Ingles: /səbˈmɜː(r)səb(ə)l/[1] na parang /sab-mer-si-bol/; at binibigkas sa Tagalog bilang /sub-mer-sib-le/), literal na "napapalubog" o "nalulublob" (sa diwang "sasakyang napapalubog sa tubig") ay isang maliit na sasakyang idinisenyo upang umandar at makagalaw sa ilalim ng tubig. Ang katagang ito ay madalas na ginagamit upang maipagkaiba mula sa iba pang mga sasakyang pang-ilalim ng tubig na nakikilala bilang mga submarino, na ang isang submarino ay isang talagang sasakyang may awtonomiya, na may kakayahang lumikhang muli ng sarili nitong enerhiya at nalalanghap na hangin ng mga nakasakay sa loob nito, habang ang isang submersible ay karaniwang sinusuportahan ng isang sasakyang nakaahon o nasa ibabaw ng tubig, plataporma, pangkat ng mga tao na nasa dalampasigan o paminsan-minsan ng isang mas malaking submarino. Subalit, sa pangkaraniwang paggamit ng pangkalahatang kamadlaan, ang salitang submarino ay maaaring gamitin upang ilarawan ang isang sasakyan na sa kahulugang teknikal ay tunay na isang submersible. Maraming mga uri ng mga submersible, kabilang na ang mga sasakyang may sakay na tao at walang sakay na tao, na nakikilala bilang mga remotely operated vehicle o mga ROV (mga sasakyang nakukontrol nang malayuan, o mga sasakyang napapakilos kahit na nasa malayo).[2] Nagagamit para sa maraming mga layunin ang mga submersible, katulad ng oseanograpiya, arkeolohiya sa ilalim ng tubig, eksplorasyon ng karagatan, pakikipagsapalaran, pagpapanatili o pagkuhang muli ng mga kagamitan o aparato, o bidyograpiya sa ilalim ng tubig.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Pronunciation of submersible, MACMILLAN DICTIONARY
  2. submersible Naka-arkibo 2012-08-22 sa Wayback Machine., The Canadian Encyclopedia. 2011.
  3. Erik Seedhouse. Ocean Outpost: The Future of Humans Living Underwater (2010)