Subnetwork
Ang isang subnetwork, o subnet ay isang lohikal na makikitang subdibisyon ng IP network.[1] Ang kasanayan ng paghahati ng isang network sa dalawa o higit pang mga network ay tinatawag na subnetting. Ang lahat ng mga kompyuter na kabilang sa isang subnet ay binigyan ng adress na isang karaniwan, magkatulad na pinaka-mahalagang pang-bit sa kanilang IP adresss. Ito ay nagreresulta sa lohikal na dibisyon ng IP adress sa dalawang mga field na isang network o prefix ng pagruruta at ang natirang field o host identifier. Ang natitirang field ay isang tagatukoy para sa isang spesipikong host o network interface. Ang prefix ng pagruruta ay inihayag sa CIDR notation. Ito ay isinusulat bilang unang adress ng isang network na sinundan ng isang karakter na slash (/) at nagwawakas sa habang bit ng prefix. Halimbawa, ang 192.168.1.0/24 ang prefix ng network na Internet Protocol Version 4 na nagsisimula sa ibinigay na adress na may 24 bit na inilaaan para sa network prefix at natitirang 8 bit na inilaan para sa addressing ng host. Ang spesipikasyong IPv6 address na 2001:db8::/32 ay isang malaking network na may mga 296 address na may isang 32 bit na pagrurutang prefix. Sa IPv4, ang pagrurutang prefix ay tinutukoy rin sa anyo ng subnet mask na inihahayag sa represenstasyong desimal na may tuldok na quad tulad ng isang address. Halimbawa, ang 255.255.255.0 ang network mask para sa prefix na 192.168.1.0/24. Ang trapiko sa pagitan ng mga subnetwork ay pinagpapalit o niruruta sa mga espesyal na gateway na tinatawag na router na bumubuo ng mga hangganang lohikal o pisikal sa pagitan ng mga subnet. Ang mga benepisyo ng subnetting ay iba iba sa bawat senaryong paggamit. Sa arkitekturang paglalaan ng adress ng internet gamit ang Classless Inter-Domain Routing (CIDR) at sa malalaking mga organisasyon, kinakailangan ng ilaan ng maigi ang espasyong adress. Ito ay maari ring magpalakas ng kaigihan ng pagruruta o magkaroon ng mga kapakinabangan sa pangangasiwa ng network kapag ang mga subnetwork ay administratibong kinokontrol ng iba't ibang mga entidad sa isang mas malaking organisasyon. Ang mga subnet ay maaaring isaayos ng lohikal sa isang hierarkikal na arkitektura na nagpapartisyon ng espasyong adress ng network sa tulad ng puno na istrukturang pagruruta.