Ang router ay isang aparatong pang-network na naghahatid ng mga data packet sa pagitan ng bawat network ng kompyuter. Ang mga router ay nagsisilbing tagapamahala ng trapiko sa Internet. Ang isang data packet ay kadalasang naipapasa mula sa isang router patungo sa isa pa sa pamamagitan ng mga network na bumubuo sa internetwork hanggang marating ito sa patutunguhang node nito.

Isang karaniwang router na pambahay o pang-opisinang maliit na pinapakita ang linya ng teleponong ADSL at mga koneksyon ng kable ng network na Ethernet

Ang isang router ay konektado sa dalawa o higit pang linya ng datos mula sa iba't-ibang network (bilang tutol sa isang network switch, kung saan ito ang nagdurugtong sa mga linya ng datos mula sa isa lamang na network). Kapag ang isang data packet ay dumating sa isa sa mga linya, binabasa ng router ang address na impormasyon para malaman ang tiyak nitong destinasyon. Pagkatapos, gamit ang impornasyong nakuha sa talaan sa pag-route o patakaran sa pag-route, inaakay niya ang packet sa susunod na network sa paglalakbay nito. Nakakalikha ito ng magkaluplop na internetwork.

Ang pinakapamilyar na uri ng mga router ay ang pambahay at pang-opisinang maliit na nagpapasa lamang ng datos, tulad ng pahinang web, e-liham, IM, at mga bidyo sa pagitan ng kompyuter at ng Internet. Isang halimabawa ng isang router ay ang DSL router na kumokonekta sa Internet sa pamamagitan ng ISP (Internet service provider) o tagapagbigay ng serbisyo ng Internet. Ang mga mas mga sopistikadong router tulad ng mga enterprise router ay nagdurugtong ng mga malalaking negosyo o mga ISP network patungo sa malalakas na mga core router na nagpapasa ng datos nang sobrang bilis habang-daan sa mga linyang optical fiber ng Internet backbone. Kahit na ang mga router ay kadalasang dedikadong hardware na aparato, ang paggamit ng software-based router ay unti-unting nagiging karaniwan.

Mga sanggunian

baguhin