Ang Suikoden (Hapones: 幻想水滸伝, Hepburn: Gensō Suikoden) ay isang seryeng Role-playing video game orihinal na nilikha ni Yoshitaka Murayama. Maluwag na batay sa klasikong nobelang Tsino na Shui Hu Zhuan (Pinapayak: 水滸傳, Tradisyonal: 水浒传) ni Shi Naian[1] ang naturang larong pang-serye. Nakasulat ang Shui Hu Zhuan bilang "水滸伝" sa Hapones, at ponetikal iyon binabasa bilang Suikoden.

Logo ng Suikoden

Ang bawat indibidwal na laro sa laro ay nakatuon sa temang pangkaugnayan sa pulitika, katiwalian, rebolusyon, mga mistikong kristal na kilala bilang mga True Runes (Mga Tunay na Runa), at mga "108 Stars of Destiny" (108 Bituin ng Kapalaran/Tadhana) — ang 108 na mga protagonistang maluwag na binigyang-kahulugan mula sa pinagmulang materyal.

Baga ma't sinusunduan ng mga larong Suikoden ang mga iregular na sunod-sunod na mga kaganapan, ang kabuuan ng mga serye (maliban sa mga edisyong Tierkreis at Tsumugareshi Hyakunen no Toki) ay ginanap sa iisang mundo sa mga nagpapatúloy at nagsasama-samang kasaysayan. Sa ibang mga pagkakataon, lumilitaw ang ilan din sa mga karakter sa iba't ibang instalasyon.

Mga laro

baguhin

Ang prangkisa ng Suikoden ay nagbubuo ng mga laro simula noon pang 1995 at nakapag-laláng pa ng iba pang mga pamagat ng video games na dala-dala ang parehong pangalan. Ang pangkat ng tagapagbuo ng seryeng Suikoden ay nagsimulang bumuo ng mga laro gamit ang 2D na ginamit sa una at pangalawang laro, habang isinama nila ang grapikong 3D para lang sa environment at visual effects. Ganoon pa man, ang Suikoden III ang nagbigay-tanda sa buong paglipat ng serye na mula 2D na naging 3D sapagkat lumipat din ng plataporma ang naturang laro; mula PlayStation na naging PlayStation 2.

Ang serye ay mayroong mga sumusunod na pamagat, kabilang ang mga prekwela, karugtong (sequel) at mga spin-offs mula sa pangunahing serye (naka-bold ang mga pangunahing serye). Naka-ayos sa pagkakasunod-sunod ang mga iyon batay sa petsa ng pagkakalabas:

Suikoden

  • PlayStation: 15 Disyembre 1995, Hapon; 1996, Hilagang Amerika; Abril 1997, Europa
  • Sega Saturn: 17 Setyembre 1998, Hapon
  • Microsoft Windows: 1998, Hapon; 1999 Tsina; 1999, Timog Korea
  • Mobile Phones: 2008–2009, Hapon

Suikoden II

  • PlayStation: 17 Disyembre 1998, Hapon; 31 Agosto 1999, Hilagang Amerika; 28 Hulyo 2000, Europa
  • Microsoft Windows: 2003, Tsina.
  • Mobile Phones: 2009–2010, Hapon

Genso Suikogaiden Vol. 1 – Swordsman of Harmonia

  • PlayStation: 21 Setyembre 2000, Hapon

Genso Suikogaiden Vol. 2 – Duel at Crystal Valley

  • PlayStation: 22 Marso 2001, Hapon

Gensō Suikoden Card Stories

Gensō Suikoden Card Stories

Suikoden III

  • PlayStation 2: 11 Hulyo 2002, Hapon; 24 Oktubre 2002, Hilagang Amerika

Suikoden IV

  • PlayStation 2: 19 Agosto 2004, Hapon; 11 Enero 2005, Hilagang Amerika; 25 Pebrero 2005, Europa

Suikoden Tactics

  • PlayStation 2: 22 Setyembre 2005, Hapon (bilang Rhapsodia); 8 Nobyembre 2005, Hilagang America; 23 Pebrero 2006, Europa

Genso Suikoden I & II

Suikoden V

  • PlayStation 2: 23 Pebrero 2006, Hapon; 21 Marso 2006, Hilagang America; 22 Setyembre 2006, Europa

Suikoden Tierkreis

  • Nintendo DS: 18 Disyembre 2008, Hapon; 17 Marso 2009, Hilagang Amerika

Genso Suikoden Pachisuro

Genso Suikoden: Tsumugareshi Hyakunen no Toki

Timeline

baguhin

Pangunahing serye
Habang may bilang ang pangunahing serye, ang bawat indibidwal na laro ay naganap sa maaring bago o pagkatapos ang isang instalasyon. Ang pangalawa at pangatlong Suikoden ay mismong mga direktang kasunod (sequels) ng kani-kanilang mga hinalinhan, ngunit sa Suikoden IV, nagsimula ang seryeng iyon na maging prekwelya na kung saan higit na maagang nangyari ang mga kaganapan bago ang iba pang mga laro. Ang pagkakasunod-sunod ayon sa in-universe na kronolohiya ay ang sumusunod:

Suikoden IV (143 taon bago ang Suikoden V at 150 taon bago ang Suikoden) → Suikoden V (6 taon bago ang Suikoden)Suikoden (3 taon bago ang Suikoden II) → Suikoden II (15 taon bago ang Suikoden III) → Suikoden III (168 taon pagkatapos ng Suikoden IV)

Mga prekwela at karugtong
Ang mga larong Genso Suikogaiden Volumes 1 and 2, baga ma't hindi bahagi ng pangunahing serye, naganap iyon bago, habang, at pagkatapos ng Suikoden II maging ang Suikoden Tactics na naganap bago at pagkatapos ng Suikoden IV.

Mga elemento

baguhin

Gameplay

baguhin

Sa seryeng Suikoden, kino-kontrol ng manlalaro ang partidong panglabanang may pinakamataas na 6 na katao (kabilang ang isang protagonista at 5 pang mga karakter). Layunin sa laro ang matalo ng protagonista ang mga kalabang nagtatangkang talunin ang kanyang koponan. Nagiging possible iyon habang sa bawat laro ng serye ay umiikot sa pag-rekluta ng 108 Stars of Destiny (108 Bituin ng Kapalaran); kung saan maaaring gamitin ang mga manlalabang karakter na na-rekluta mula sa marami bilang kasapi para sa partidong panglabanan; mayroong tinatawag na Stars of Destiny (Bituin ng Kapalaran) sa bawat serye ng laro. Kalimitang ginagamit ng serye ang paglibot-libot sa mga bayan o nayon sa iba't ibang mga kapuluan at sa mga yungib na puno ng mga halimaw o kalaban. Makukuha din ng manlalaro ang himpilan o base na kadalasang napabayaan na o abandonado, mga kastilyong pinamumugaran ng mga halimaw na nagiging mataong komunidad kapag nakamit.

Mga modang panglabanan

baguhin

Ang pinaka-malimit na anyo ng labanan sa serye ay ang turned-based strategy (salit-salitan) na labanan hinaharap ng isang koponang binubuo ng 6 na katao ang kalaban. Subalit hindi lang iyon ang tanging anyo ng labanang tampok sa mga laro. Mayroon pang 3 iba't ibang uri ng labanang umiiral na umuulit-ulit at naging nakasanayan sa bawat laro. Iyon ang mga 'Basic Battle', 'One-on-one Duel' at 'Strategic War Battle'.

  1. Battle: Ito ang pinaka-pangakaraniwang anyo ng labanan. Iyon ay kapag kailangang makipaglaban ang koponan ng protagonista na binubuo ng 6. Pinapayagan sa modang ito na kontrolin ng manlalaro ang 6 na karakter na may iba't ibang kautusan katulad ng 'Fight' (Laban), 'Run' (Tumakbo) upang tumakas, 'Bribe' (Suhulan) upang gamitin ang pera ng partido na tinatawag na Potch bilang pansuhol at upang makatakas, at 'Auto' kung saan kusang naka-atake ang mga tauhan o karakter.
  2. One-on-one Duel (Harap-harapang Tunggalian): Ito ang labanan kung saan tanging iisang tauhan lang ang makikipaglaban at nangyayari lang iyon sa mga natatanging kaganapan. Iyon ang salit-salitang laban kung saan pinpili ng manlalaro ang utos na sumugod (sa halip na mano-manong kontrol na pakikipag-laban). Hindi kalimitang naka-batay sa oras ang mga duwelo o tunggalian sa mga serye maliban sa Suikoden V kung saan kinakailangan lang ng 3 segundo upang makapili ng iuutos (command). Kadalasang kasama sa mga tunggalian ang palitan ng mga dyalogo sa pagitan ng manlalaro at ng kalaban, kasama ang dyalogong nagbibigay palatandaan sa kung anong utos ang susunod na pipiliin ng kalaban.
  3. Strategic War Battle: Ito ang salit-salitang estratehikong labanan sa pagitan ng panig ng protagonista at ng kalaban. Sa higit na tumpak na kataga, ito ang labanan sa pagitan ng hukbo ng protagonista at ng kalaban. Binubuo ang hukbo ng protagonista ng maraming unidad o yunit na maaaring isaayos ng manlalaro kung nanaisin man niya. Ang bawat laro sa mga serye ay mayroong iba't ibang anyo ng pandigmaan na kapansin-pansin sa Suikoden IV, kung saan ginaganap ang mga labanan sa dagat. Ang Suikoden V naman ay ang unang laro na gumagamit ng real-time strategy.

Pagsulong (Development)

baguhin

Ang seryeng Suikoden ay nilikha, isinulat, nai-produced, at pinangasiwaan ni Yoshitaka Murayama, na umalis mula sa Konami bago pa man matapos isa-buo ang Suikoden III. Pumalit naman si Noritada Matsukawa bilang Senyor-Direktor ng Suikoden III kasunod ng pag-alis ni Murayama. Nasa ilalim ng direksyon ni Matsukawa ang Suikoden IV ngunit nai-produced iyon ni Junko Kawano, ang punong disenyador ng Suikoden I. Ang Suikoden V ay nasa ilalim ng direksyon ni Takahiro Sakiyama, isang baguhan sa mundo ng mga RPG.

Ang mundo, pagkaka-ayos at mga konsepto

baguhin

Sa katotohanan, sinusundan ng bawat laro ang plot formula ng isang kudeta ng tiwaling tagapaghawak ng kapangyarihan, at isang destyero (exile) ang pangunahing protagonista mula sa kanyang tahanan o sinilangang bayan. Sinusundan din ng balangkas ang mapaminsalang maling paggamit ng mga "True Runes" (Mga Tunay na Runa) habang nakikipaglaban ang bayani, sa kabila ng mga malalaking hadlang at kahigtan, upang maidala ang kapayapaan sa kalupaan kasama ng kanyang mga kaibigan, at ang kasukdul-sukdulang showdown ng Tunay na Runang nagamit sa maling pamamaraan.

The 27 True Runes

baguhin

Ang 27 True Runes (27 Tunay na Runa) ay ang mga makapangyarihang pinagmumulan ng lahat ng salamangka at pinamataas na kalakasan sa mundo ng Suikoden. Buong nakakaramdam na may taglay na sariling kalooban, hawak-hawak ng mga Tunay na Runa ang di-masukat-sukat na kapangyarihan, at iyon nga kapantayan ng mga bathala sa daigdig ng Suikoden. Maraming digmaan nang mga naganap para sa mga iyon sa nakaraan, habang bingyang-sulsol naman ang iba ng mga mismong runa.

Hinaharap

baguhin

Sa isang panayam na isinagawa ng sityong Hapones na 4gamers.net tungkol sa RPG na Frontier Gate, ibinunyag ng mga tagapagbuo ng Konami na nagkahiwa-hiwalay ang pangkat ng tagapagbuo ng Suikoden at napunta sa iba't ibang pangkat ng Konami at saan-saan pa ang mga kasapi. Nauwi ito sa haka-hakang iniwanan ang naturang prangkisa kasunod ng mga di-kanais-nais na benta ng pinakabagong entrada sa serye.[2]

Ayon sa isang artikulong inilimbag ng The Nikkei noong 2015, naitigil na ang pagsasabuo ng mga serye.[3]

Sanggunian

baguhin
  1. Cave, Ronnie. "Hardcore Gaming 101: Suikoden". Hardcore Gaming 101. Nakuha noong 29 Oktubre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.4gamer.net/games/132/G013230/20110721001/
  3. Yin-Poole, Wesley (3 Agosto 2015). "New article on Konami paints a bleak picture". Eurogamer. Gamer Network. Nakuha noong 3 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)