Sulat-kamay
Ang sulat-kamay o porma ng sulat[1] ay isang sining ng pagsulat sa pamamagitan ng kamay - sa halip na gumamit ng mga aparato o makinarya. Itinuturing ito na isa sa mga mahahalagang kasangkapan sa pakikipag-ugnayan at sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
Mga lagda
baguhinIsa sa mga pinakamahalagang mga natututunan ng tao sa pagsusulat sa pamamagitan ng kamay ang pagsulat ng kaniyang sariling pangalan, na tinatawag na lagda o pirma.[2]
Mga katangian
baguhinMagkakaiba ang bawat sulat-kamay ng iba't ibang tao bagaman karaniwang silang gumagamit ng iisa o magkakatulad na mga alpabeto. Iba-iba ang itsura at paraan nila ng pagsulat ng mga titik. Hindi madaling gayahin ang sulat-kamay ng ibang tao. Pinagbabawal ng batas ang mapanlinlang na paggaya o pagkopya sa pirma o gawi sa pagsulat ng ibang tao.
Mga uri ng sulat-kamay
baguhinPagsulat ng manuskrito
baguhinAng pagsusulat ng manuskrito ang unang napag-aaralan at pinagsasanayan ng mga bata sa paaralan. Isa itong metodo ng pagsulat na madaling gawin sapagkat binubuo lamang ng mga tuwid ng guhit at mga bahagi ng mga bilog. Gumagamit rin ng ganitong uri ng pagsulat ang mga nasa-edad nang tao, katulad ng mga sa mga pagkukumpleto ng mga dokumento, kung saan dapat hindi dikit-dikit ang iyong mga titik na isinusulat. Katulad din ito ng mga ginagamit sa mga karatula sa mga daanan ng sasakyan at mga tindahan.[2]
Mga gawi sa pagsulat ng manuskrito
baguhinPagsulat na nakahilig
baguhinMatapos makasanayan ng mga bata ang pagsusulat ng tuwid o pamanuskritong normal, nakakagamayan din nila ang pagsulat ng pa-italiko o nakahalig ang mga letra (slanted manuscript), nakatutulong sa pagpapabilis ng pagsulat.[2]
Pagsulat na magkakadikit
baguhinSa patuloy na pagsasanay, natututo rin ang mga bata na pagdikit-dikitin ang mga titik (joined manuscript).[2]
Kursibong pagsulat
baguhinIsa pang klase ng pagsulat na magkakadikit ang kursibong pagsulat (cursive writing), kung saan hindi inaangat ang dulo ng panulat tulad ng lapis, pluma, o bolpen hanggang sa katapusan o pagtatapos ng bawat salita.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Sulat-kamay, porma ng sulat, handwriting, writing by hand, penmanship". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Signatures". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)