Si Superboy ay pangalan ng ilang kathang-isip na mga superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Naitanghal ang mga karakater sa limang serye ng komiks na Superboy, kasama ang ibang serye, tulad ng Adventure Comics at iba't ibang serye na tinatampukan ang mga superhero na nasa pangkat ng mga tinedyer. Lumabas din si Superboy sa iba't ibang animasyon at live-action (o totoong-tao) na seryeng pantelebisyon. May tatlong bersyon ang karakter: ang batang Superman; isang tinedyer na clone na nagngangalang Kon-El; at ang anak nina Superman at Lois Lane, si Jonathan Kent.

Ang unang Superboy ay si Superman bilang isang bata, na isang superhero sa kanyang sariling bayan ng Smallville, kung saan si Kal-El (ang Kryptoniyanong pangalan ni Superboy) ay nabubuhay sa ilalim ng kanyang lihim na pagkatao, si Clark Kent. Lumabas ang karakter sa ilang mga serye mula dekada 1940 hanggang 1980, na lumalabas sa Adventure Comics at sa dalawang unang mga serye, ang Superboy at The New Adventures of Superboy. Naisagawa ang isang mythos at pansuportang mga karakter ng kanyang sarili, kabilang ang kanyang mga magulang, sina Jonathan at Martha Kent, isang katambal sa pag-ibig, si Lana Lang, at mga kaanib na naglalakabay sa panahon, ang Legion of Super-Heroes.

Ang orihinal na konsepto para sa karakter na "Superboy" ay ginawa ni Jerry Siegel (na di kasama si Joe Shuster) noong Nobyembre 1938. Hindi sinang-ayunan ang ideya ng Detective Comics, Inc., at tinanggihan din ng tagapaglathala ang ikalawang ideya, mas detalyadong konsepto ni Siegel ang dumating dalawang taon pagkatapos.[1] Isang nakakatawang manloloko ang konsepto ni Siegel para kay Superboy, at naramdaman ng patnugot na si Mort Weisinger na ang konsepto na ito ay magpapababa sa imahe ni Superman at magpapakita ng isang masamang halimbawa sa mga mas batang mga mambabasa.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Trexfiles: The latest Superboy/Superman copyright decision PDF file (sa Ingles). Tingnan ang pahina 1–5 para sa naunang kasaysyan ng paglalathala para kay Superboy. Naka-arkibo 200-08-07 sa Wayback Machine.
  2. Scivally, Bruce (2007). Superman on Film, Television, Radio and Broadway (sa wikang Ingles). McFarland. ISBN 9780786431663. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)