Superior good
Ang mga superior good (salitang Ingles; literal sa Tagalog bilang "napakahusay na paninda") ay bumubuo sa isang mas malaking proporsyon ng pagkonsumo habang tumataas ang kita. Ang ganoong good ay kinakailangang may dalawang ekonomikang katangian: hindi sapat at mataas ang halaga.[1] Ang pagiging hindi sapat ng paninda o good ay maaring likas o di-likas; bagaman, sa pangkalahatang populasyon (i.e., mga mamimili) ay kailangang kilalanin ang good na natatangi bilang mas "mabuti." Ang pagkakaroon ng ganoong good ay kadalasang nagpapahiwatig ng pagiging mahusay (superiority) sa kakayahan at kadalasang kasama ang prestihiyo.
Ang elastisidad sa kita ng isang superior good ay higit sa isa sa kahulugan sapagkat tinataas nito ang gastos kapag tumaas ang kita. Ang superior good ay maaring maging luxury good (maluhong paninda) na hindi mabibili sa presyong di bababa sa isang tiyak na antas ng kita. Kasama sa mga halimbawa nito ay salmon at bihud at iba pang pagkaing espesyal.
Sa kabilang dako, ang mga superior good ay maaring magkaroon ng malawak na kalidad pangdistribusyon tulad ng alak at mga pista. Gayunpaman, kahit ang rami ng pagkonsumo ng produkto ay manatiling hindi nagbabago kapag mas yumaman, ang antas ng paggastos ay tataas upang makaranas ng mas maiging karanasan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Shellfish Economics Fisheries and Aquaculture Department. Hinango Abril 18, 2008. (sa Ingles)