Surah At-Tin
Ang Sūrat al-Tīn (Arabiko: التين, Ang Igos) ang ika-95 sura ng Koran na may 8 ayat.
التين At-tin | |
---|---|
Klasipikasyon | Makkan |
Ibang pangalan | The Fig Tree |
Posisyon | Juzʼ 30 |
Blg. ng talata | 8 |
Blg. ng zalita | 34 |
Blg. ng titik | 162 |
Mga bersikulo
baguhinSa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal
1. Sumumpa ang Allâh sa pamamagitan ng ‘Tîn’ at saka sa ‘Zayton’ (Oliba),
2. Na itong dalawang ito ay kabilang sa mga uri ng bunga, at sumumpa (rin) ang Allâh sa pamamagitan ng bundok ng Sinai na kung saan nakipag-usap ang Allâh kay Mousã (as) roon,
3. At sumumpa (rin) ang Allâh sa bayang ligtas sa anumang kinatatakutan, na ito ay ang Makkah, na kung saan, dito ibinaba ang Islâm.
4. Katiyakan, nilikha Namin ang tao sa pinakamagandang hugis,
5. Pagkatapos ay ibababa Namin tungo sa kababa-babaan ng Impiyerno kung hindi siya susunod sa Allâh at sa Kanyang mga Sugo,
6. Subali’t ang mga yaong naniwala sa Allâh at gumawa ng mga mabubuting gawa ay para sa kanila ang dakilang gantimpala na walang katapusan at hindi nababawasan.
7. Ano ba ang nagtulak sa iyo, O ikaw na tao, pagkatapos nito, na tumanggi sa Muling Pagkabuhay at sa Pagbabayad, samantalang napakalinaw ng mga katibayan sa kakayahan ng Allâh para rito?
8. Hindi ba ang Allâh na Siyang lumikha ng Araw na ito para sa Paghuhukom sa pagitan ng mga tao ay Siyang Pinakamagaling sa lahat ng tagapaghukom sa lahat ng Kanyang mga nilikha? Walang pag-aalinlangan, tunay na Siya nga! Kung gayon, pababayaan na lang ba ang mga tao na hindi na pakikialaman, na wala nang pag-uutos para sa kanya at wala nang pagbabawal, na siya ay di na gagantimpalaan at hindi na parurusahan?