Surrealismo
Ang surrealismo ay isang kaganapan pang-kalinangan na nag simula noong unang bahagi ng dekada 1920, at nakilala dahil sa mga biswal na gawang sining o sining biswal at sulatin. Ang naging layunin ng pagkilos na ito ay para lutasin ang dating kumokontrang kondisyon ng pangarap at katotohanan. Ang mga pinipinta ng mga pintor ay walang lohika o saysay na may detalye na parang kuha ng isang kamera, mga kakaibang nilalang galing sa pangkaraniwang gamit at nabuong pamamaraan sa pagpipinta kung saan nabigyang pahintulot ang malalim na kaisipan nang layang maipahayag ang sarili.
Ipinapakita ng gawaing surrealismo ang elemento ng sorpresa o pagkagulat, at hindi inaasahang pagkumpara ng mga di nagkakatugmang at walang wakas na mga bagay; gayunman maraming surrealistang pintor at manunulat ay gumagamit nito bilang, una at higit sa lahat, pagpapahayag ng pilosopiya ng pagkilos, at ang mga gawain nila, bilang artipakto o testimonya ng panahon. Malinaw para kay André Breton, ang kanyang pahayag na ang surrealismo, higit sa lahat ay isang tunay na rebolusyonaryong pagkilos.
Mas nabuo pa ang Sureyalismo mula sa mga gawaing dada noong Unang Digmaang Pandaigdig, at ang kalagitnaan ng pagkilos ay ang Paris. Mula dekada 1920, kumalat ang pagkilos sa iba't ibang lugar sa mundo hanggang sa naimpluwensiya niya ang sining biswal panulatan, pelikula, at musika ng maraming bansa at wika, kasama na rin ang kaisipang politikal at kasanayan, pilosopiya at teoryang panlipunan.