Susan Fuentes

Filipinang Mang-aawit (1954-2013)

Si Susan Fuentes (pagbigkas sa Tagalog: [ˈfwɛntɛs]; 1 Nobyembre 1954 – 7 Setyembre 2013) ay isang Pilipinong mang-aawit na kilala bilang "Reyna ng mga Awiting Bisaya".[1]

Susan Fuentes
Pangalan noong ipinanganakSusan Toyogon
Kapanganakan1 Nobyembre 1954(1954-11-01)
Occidental Mindoro, Pilipinas
Kamatayan7 Setyembre 2013(2013-09-07) (edad 58)
Lungsod ng Quezon, Pilipinas
GenreVisayan music, Soul, Manila Sound, OPM
Taong aktibo1975–1982; 2010-2013
LabelAlpha Records
Jem Recording

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak bilang Susan Toyogon sa Butuan, Agusan del Norte, ika-apat si Fuentes sa limang mga magkakapatid. Mula sa Bohol ang kanyang ama habang mula sa Surigao naman ang kanyang ina.[2] Sa edad na lima, nagsimula siyang sumali sa mga kumpetisyong ng mga mang-aawit. Noong nasa hayskul naman siya, kinilala ang kanyang talento at kagandahan sa pamahayagang Bisaya (parang Liwayway ngunit nasa wikang Cebuano).

Pagkatapos ng kanyang pag-aaral, lumipat siya sa Maynila, kung saan tinulungan siya ng kanyang kaibigan na si Eugenia Molina, kapatid na babae ng mang-aawit na si Merci, na mapirma sa Alpha Records. Noong lumipat na siya sa Jem Recording, inilala na siyang "Queen of Visayan Songs". Dito, nagpalabas siya ng pitong mga album, na nakakuha ng gintong sertipikasyon sa Visayas at Mindanao.

Noong 1970s at ’80s, pinatanyag niya ang mga katutubong mga Bisayang mga awit na “Matud Nila” (They Say), “Gimingaw Ako” (I Feel Lonesome), “Usahay” (Sometimes), at “Rosas Pandan.” Siya ang orihinal na mang-aawit ng “Miss Kita Kung Christmas.”

Namatay siya noong ika-7 ng Setyembre 2013 sa sakit na kanser sa kolon sa edad na 58.[3][4] Huli siyang umawit noong 2010.[5]

Diskograpiya

baguhin

Mga album

baguhin
  • Ang Atong Pinangga (1976)
  • A New Feeling (Visayan Song Book) (1977)
  • Awitnong Bahandi (1977)
  • Halad Nako (Awitnong Bahandi Part 2) (1978)[6]
  • Mananaygon (1978)
  • Yukbo sa Bisayanhong Awit kasama si Pilita Corrales (1979)
  • Mga Awiting Walang Kupas (1980)[7]
  • Tango Uban Kang Susan (1980)
  • Straight from the Heart (1982)
  • Miss Kita Kung Christmas (1990)[8]

Sanggunian

baguhin
  1. "Susan Fuentes, Queen of Visayan Songs, dies". ABS-CBN News. Nakuha noong 2013-09-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Queen of Visayan Songs Susan Fuentes is dead", Philippine Daily Inquirer, ika-7 ng Setyembre 2013.
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-01. Nakuha noong 2013-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-19. Nakuha noong 2013-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. http://www.philstar.com/cebu-entertainment/646249/susan-fuentes-finds-her-voice-again
  6. "Halad Nako (Awitnong Bahandi Part 2)", eBay Philippines (sa wikang Ingles), 1978, nakuha noong 2024-09-12{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Mga Awiting Walang Kupas", eBay Philippines (sa wikang Ingles), 1980, nakuha noong 2024-09-12{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Miss Kita Kung X'mas now an album". Manila Standard (sa wikang Ingles). Kagitingan Publications, Inc. Nobyembre 26, 1990. p. 24. Nakuha noong Nobyembre 27, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)