Sutta Pitaka
Ang Sutta Pitaka (suttapiṭaka; o Suttanta Pitaka; cf Sanskrit सूत्र पिटक Sūtra Piṭaka) ang ikalawa ng mga tatlong dibisyon ng Tripitaka o Kanon na Pali na kalipunang Pāli ng mga tekstong Budista na mga kasulatan ng Budismong Theravada. Ang Sutta Pitaka ay naglalaman ng higit sa 10,000 mga sutta(mga katuruan) na itinuturo kay Gautama Buddha o sa kanyang mga malapit na kasama.