Si Sylvia Louise Engdahl (ipinanganak noong 1933) ay isang Amerikanang manunulat ng kathang-isip na salaysaying pang-agham. Nakapaglathala siya ng labintatlong mga aklat, kabilang ang pitong mga nobelang kathang-isip na salaysaying pang-agham, dalawang antolohiya ng kathang-isip na salaysaying pang-agham, tatlong hindi kathang-isip na mga aklat, at isang pambatang aklat ng mga larawan. Kilalang-kilala si Engdahl dahil sa kanyang nobelang Enchantress from the Stars ("Babaeng Mapang-akit [o Mangkukulam] mula sa mga Bituin") na isang aklat na nagkamit ng gantimpalang Newbery Honor ("Karangalang Newbery") noong 1971. Nagturo siya ng mga kursong pangnagtapos na sa Web para sa Connected Education o Kunektadong Edukasyon, isang tagapanimula sa edukasyon sa internet, magmula 1985 hanggang 1995. Naninirahan siya sa Oregon, sa piling ng kanyang dalawang mga pusa. Noong Agosto 2007, naglathala si Engdahl ng isang bagong nobelang siyensiyang piksiyon/piksiyong bisyonaryo o kathang-isip na mapanagimpan na para sa mga taong nasa hustong gulang, na pinamagatang Stewards of the Flame ("Bandahali ng Ningas" o "Tagapag-asikaso ng Alab"). Siya rin ang nagsulat ng nobelang The Far Side of Evil ("Ang Malayong Ibayo [o Gilid] ng Kasamaan"), isang akdang kasunod ng Enchantress from the Stars.

Sylvia Engdahl
Kapanganakan24 Nobyembre 1933
  • (Kondado ng Los Angeles, California, Pacific States Region)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomanunulat, nobelista, manunulat ng science fiction, children's writer

Mga kawing panlabas

baguhin


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Estados Unidos at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.