Ang tabak o espada ay isang mahaba at matalim na piraso ng metal na ginagamit bilang pamputol, pangsaksak at panghampas sa iba't ibang sibilisasyon sa buong mundo. Ang Ingles nitong pangalan na sword ay mula sa Ingles sweord, na kognato sa Lumang Mataas na Aleman swert, Gitnang Olandes swaert, Lumang Norse sverð (cf.Danish sværd, Norwegian sverd, Swedish svärd) Lumang Frisian at Lumang Saxon swerd at Modernong Olandes zwaard at Aleman Schwert, mula sa Proto-Indo-Europeong ugat na *swer- "makasugat, makasakit".

mahabang espada ng Swiss, Ika-15 or ika-16 siglo

Ang espada ay binubuo ng talim at hawakan, ang isa o dalawang gilid nito ay ginagamit bilang panghampas o kaya pamputol at isang tulis na pangsaksak. Ang intensiyon at pisika ng paggamit ng espada ay hindi nabago kahit na ilang siglo nang lumipas. Subalit mayroong pagkakaiba sa pamamaraan sa iba't ibang kultura at panahon na nagdulot sa pagkakaiba sa paggamit at pagdisenyo. Ang mga pangalan na binigay sa maraming espada sa mitolohiya, literatura, at kasaysayan ay sumasalamin sa pagiging prestihiyoso ng sandata (silipin sa talaan ng mga espada).

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.