Tagagamit:4assignment/Batas Militar sa Pilipinas

Martial Law monument sa Mehan Garden

Batas Militar sa Pilipinas ay pumapatungkol sa iba’t ibang mga makasaysayang pagkakataon kung saan ang pinuno ng estado ng Pilipinas ay inilagay ang bansa o ilang bahagi ng bansa sa ilalim ng kontrol ng militar [1] - pinaka prominente ito noong  : 111 panahon ng administrasyon ni Ferdinand Marcos, [2] [3] subalit, ito rin ay nangyari noong mga panahon na nasa ilalim ng kolonya ang Pilipinas, ikalawang pandaigdigang digmaan, at ang pinaka kamakailan ay sa mga isla ng Mindanao noong administrasyon nina Gloria Macapagal Arroyo at Rodrigo Duterte . [4] Dagdag pa rito, ang alternatibong termino na “Martial Law Era” sa perspektibo ng mga Pilipino ay madalas na ginagamit upang ilarawan ang panahon ng batas militar sa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

[5]

Makasaysayang inimplementa ang batas militar sa pamamagitan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas t iba pang mga tao o grupo ng tao sa ilalim nito,[1][6] na nagsisilbi bilang pangunahing kasangkapan ng pinuno ng estado para sa pag implementa ng pampulitikang kapangyarihan[1] na kabaligtaran ng karaniwang kasanayan kung saan kontrol ng sibilyan ang militar.[6][7]

Sa ilalim ng kasalukuyang Konstitusyon ng Pilipinas, ang Pangulo, bilang pinuno ng estado at commander-in-chief ng sandatahang lakas, ay maaaring magdeklara ng batas militar kung “mayroong paghihimagsik o rebelyon at kung kinakailangan ito para sa kaligtasan ng publiko.” [8] Karamihan sa ibang bansa naman ay gumagamit ng ibang legal na konstrukt tulad ng " state of emergency ". 

Kadalasan, kaakibat ng pagpataw ng batas militar ay mga curfew, suspensyon ng batas sibil, mga karapatang sibil, writ of habeas corpus, at aplikasyon o pagpapalawak ng batas militar o hustisyang militar sa mga sibilyan.[kailangan ng sanggunian] Subalit, noong panahon ng batas militar sa ilalim ni Marcos, hindi lamang ang writ of habeas corpus ang nasuspinde.[kailangan ng sanggunian] Ang mga korteng sibil at militar rin ay nakaranas ng parehong sitwasyon. Ang mga sibilyang hindi tumupad sa batas militar ay maaaring ipasailalim sa mga tribunal ng militar ( court-martial ).[kailangan ng sanggunian]

  1. 1.0 1.1 1.2 De Castro, Renato Cruz (2005). "The Dilemma Between Democratic Control versus Military Reforms: The Case of the AFP Modernisation. Program, 1991-2004" (PDF). Journal of Security Sector Management.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "DeCastro2005" na may iba't ibang nilalaman); $2
  2. "Martial Law in the New Constitution". Martial Law Museum (sa wikang Ingles). Ateneo de Manila University. Nakuha noong 2021-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rood, Steven (2017-05-31). "Unpacking Martial Law in Mindanao". The Asia Foundation (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Navera, Gene Segarra (2018). "Metaphorizing Martial Law: Constitutional Authoritarianism in Marcos's Rhetoric (1972–1985)". Philippine Studies: Historical and Ethnographic Viewpoints (sa wikang Ingles). 66 (4): 417–452. doi:10.1353/phs.2018.0033. ISSN 2244-1638.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Miranda2001); $2
  6. 6.0 6.1 "II: Political Change and Military Transmition in the Philippines, 1966 – 1989: From the Barracks to the Corridors of Power". Official Gazette of the Republic of the Philippines. 1990-10-03. Nakuha noong 2021-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Cruz, Rodel A. (2013). "Security Sector Reform: Way Forward for Democracy and Development" (PDF). National Security Review. National Defense College of the Philippines. December. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2020-05-01. Nakuha noong 2021-09-05.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Martial Law in Mindanao: The Press Steps Up". Center for Media Freedom and Responsibility (sa wikang Ingles). 2017-06-16. Nakuha noong 2021-12-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)