Masamang Asal 

baguhin

Ang tagahatol ay may karapatang magbigay ng babala sa mga manlalarong pinagpapatuloy ang maling paguugali kaya’t maaari silang tuluyang paalisin sa laro. Ang unang sport na nakagamit ng mga koloradong kard ay ang Asosasyong Futbol upang ipahiwatig itong mga partikular na pagkilos. .[1]

 
Ipinapakita ang dilaw na kard ng tagahatol upang ipahiwatig na ang isang atleta ay pinagbalaan na.  

Dilaw na Kard (pagbabala)

baguhin

Ipinapakita ang dilaw na kard ng tagahatol upang ipahiwatig na ang isang atleta ay pinagbalaan na. Tinatala ang mga detalye ng manlalaro sa isang maliit na kuwaderno, kaya ang isang pagbabala ay kilala rin bilang isang 'booking'. Ang pinagbalaan na atleta ay puwedeng magpatuloy sa paglalaro; gayunpaman, Ang atletang nakatanggap ng pangalawang pagbabala sa isang tugmaan ay papaalisin sa laro. Nakalista ang mga uri ng mga paglabag at maling pag-uugali sa ikalabindalawang batas ng Laws of the Game. Binanggit din dito na ang isang manlalaro, kapalit o ipinalit na manlalaro lamang ang maaaring pagbalaan.

 
Ipinapakita ang pulang kard ng tagahatol upang ipahiwatig na ang isang manlalaro ay tuluyang pinapaalis sa tugmaan.

Pulang Kard (pagpapaalis)

baguhin

Ipinapakita ang pulang kard ng tagahatol upang ipahiwatig na ang isang manlalaro ay tuluyang pinapaalis sa tugmaan. Kinakailangan agad-agad na umalis sa tugmaan ang atleta na hindi puwedeng ipagpalit kahit sino sa koponan at ipagpapatuloy pa rin ang laro kahit kulang ang miyembro. Tanging mga manlalaro, kapalit at ipinalit na manlalaro lamang ang maaaring makatanggap ng isang pulang kard. Kung ang goalkeeper ng koponan ang nakatanggap ng isang pulang kard, kinakailangan ang isang kapalit na manlalaro ang magpapatuloy ng goalkeeping na tungkulin (Karaniwan, ang pampalit na manlalaro ang pumuposisyon muli sa goalkeeper).

References

baguhin