Borismaghinang
Ang liwanag sa dilim ay isang translasyon sa tagalog ng Miss Saigon na pagtatanghal na may tugtugin o teatrong musikal nina Claude-Michel Schönberg at Alain Boublil sa tanghalang West End (teatrong West End), na may mga liriko nina Boublil atRichard Maltby, Jr. Isa itong makabagong adaptasyon ng operang Madama Butterfly (Madame Butterfly) ni Giacomo Puccini, na katulad na naglalahad ng trahikong salaysay ng isang walang patutunguhang pag-iibigan at romansang kinasasangkutan ng isang babaeng Asyanong nilisan ng kanyang Amerikanong mangingibig. Inilipat ang tagpuan ng takbo ng kuwento sa Saigon ng dekada ng 1970 noong panahon ng Digmaan sa Biyetnam, at napalitan ang magkasintahang Amerikanong Tenyente at geishang Hapones ng pagmamahalan ng isang Amerikanong kawal ng hukbong katihan (isang GI) at ng isang babaengBiyetnames na naghahanapbuhay sa isang bar. Unang ipinalabas ito sa Tanghalang Royal, Eskinitang Drury, sa Londres noong Setyembre 20, 1989, na nagsara pagkaraan ng 4,264 na mga pagtatanghal noong Oktubre 30, 1999. Nagbukas ito saTanghalan ng Broadway sa Lungsod ng Bagong York noong 1991. Sumunod na nagbukas din ito sa marami bang ibang mga lungsod at mga paglalakbay. Kinakatawan ng musikal na ito ang pangalawang pangunahing tagumpay nina Schönberg at Boublil, pagkaraan ng Les Misérables noong 1980. Magmula Abril 2009, ang Miss Saigon pa rin ang ika-10 pinakamatagal na tumatakbong musikal sa Broadway sa kasaysayan ng musikal na pagtatanghal.[1] Mga sanggunian[baguhin] 1. ↑ Hernandez, Ernio (2008-05-28). "Long Runs on Broadway". . Playbill, Inc.. Nakuha noong 2008-06-22.