Tagagamit:Cheesee-its/Centaurea cyanus
Centaurea cyanus | |
---|---|
Centaurea cyanus (introduced species) malapit sa Peshastin, Chelan County, Washington | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kingdom: | Plantae |
Clade: | Tracheophytes |
Clade: | Angiosperms |
Clade: | Eudicots |
Clade: | Asterids |
Order: | Asterales |
Pamilya: | Asteraceae |
Genus: | Centaurea |
Species: | C. cyanus
|
Kangalanang dalawahan | |
Centaurea cyanus |
Ang Centaurea cyanus, karaniwang kinikilala bilang cornflower o bachelor's button, [note 1] ay isang halamang namumulaklak na taunan sa pamilyang Asteraceae na natural na tumutubo sa Europa. Noon, madalas itong tumubo bilang damong panira sa mga "cornfields" (kung saan malawak ang ibig-sabihin ng "corn"; mga butil tulad ng trigo, sebada, rye, o obena), kaya cornflower ang pangalan. Nanganganib na ito ngayon sa katutubong tirahan nito dahil sa pagtindi ng agrikultura, lalo na sa sobrang paggamit ng mga herbicide. Gayunpaman, ang Centaurea cyanus ay natural na rin ngayon sa maraming pang bahagi ng mundo, kasama ang North America at mga bahagi ng Australia sa pamamagitan ng pagsimula bilang isang ornamental na halaman sa mga hardin at bilang isang seed contaminant sa crop seeds. [3]
Paglalarawan
baguhinAng Centaurea cyanus ay isang taunang halaman na lumalaki hanggang sa taas na 40–90 cm, at may kulay-abo-berdeng tangkay na sumasanga. Ang mga dahon ay lanceolate at may habang 1-4 cm. Ang mga bulaklak ay kadalasang matinding asul ang kulay at nakaayos sa mga ulo (capitula) na may lapad na 1.5–3 cm, na may singsing ng ilang malalaking kumakalat na ray florets na nakapalibot sa gitnang kumpol ng mga disc florets. Ang asul na pangulay ay protocyanin, na sa mga rosas ay pula. [4] Ang mga prutas ay humigit-kumulang 3.5 mm ang haba na may 2–3 mm ang haba ng pappus bristles. [5] Ito ay namumulaklak buong tag-araw. [6]
Pamamahagi
baguhinAng Centaurea cyanus ay katutubong sa mapagtimping Europa, ngunit malawak na naturalisado sa labas ng natural na lupa nito. Ito ay nakatubo sa Britanya at Irlanda bilang isang archaeophyte (sinaunang pagpapakilala) mula noong Panahon ng Bakal. [7] Sa Nagkakaisang Kaharian, ito ay bumaba mula sa 264 na mga lupa sa 3 mga lupa lamang sa 50 taon. [8] Dahil dito, pinangalanan ito ng conservation charity na Plantlife bilang isa sa 101 species na aktibong gagawing nilang ibalik 'mula sa bingit'. [9]
Sa County Clare ( VC H9) sa Irlanda, ang Centaurea cyanus ay naitala sa mga taniman bilang halos mawala na, [10] habang sa Hilagang-Silangan ng Irlanda, ito ay madami pa bago ang 1930s. [11]
Genetics at Breeding
baguhinGenetics
baguhinAng Centaurea cyanus ay diploid na bulaklak (2n = 24). [12] Madami ang pagkakaiba-iba ng genetics sa loob ng mga populasyon, pero maaaring buamaba dahil sa pagkahiwalay-hiwalay ng populasyon at masinsinang agrikultura. [13] Sa pangkalahatan, ang Centaurea cyanus ay self-incompatible na species. Gayunpaman, nangyayari pa rin paminsan-minsan ang pag pollinate sa sarili, ngunit nagreresulta sa inbreeding depression . [14]
Mga Kultivar
baguhinMadaming kultivars ng Centaurea cyanus na may iba't ibang kulay ng pastel, kabilang ang rosas at ube, ay ginagamit para sa mga layuning pang-dekorasyon. Ang mga species ay pinalaki din para sa industriya ng cutflower sa Canada para magamit ng mga florist. Ang mga kultivar na dobleng asul (tulad ng 'Blue Boy' o 'Blue Diadem') ay kadalasang ginagamit para sa dito, ngunit ginagamit din ang puti, rosas, lavender at itim (pero talagang napakadilm na maroon ) na mga cultivar, ngunit mas kaunti.
Mga layunin sa pag-breed
baguhinTulad ng lahat ng halamang pang-dekorasyon, ang importanteng layuning ng pag-breed ng Centaurea cyanus ay kinabibilangan ng induction ng phenotypic variation (hal. sa kulay, laki at hugis, mga katangian ng dahon o tangkad ng halaman), taasan ang ani ng bulaklak, paglaban sa mga peste at sakit pati na rin ang tolerance sa abiotic stress (hal., matinding init o lamig, tuyot o kaasinan). [15]
Ekolohiya
baguhinDamong panira sa taniman
baguhinAng Centaurea cyanus ay itinuturing masamang damo sa maararong tanim, lalo na sa mga angkak at rapeseed . [16] Sa trigong taglamig, ang isang halaman bawat m2 ay maaaring magdulot ng pagkasira ng ani hanggang 30 kg / ha. [17] Ang Centaurea cyanus ay nagbubutil ng humigit-kumulang 800 buto bawat halaman, na maaaring ibuhos ilang sandali bago ang pag-aani ng angkak, o giniik kasama ng mga butil ng angkak, na nag-aambag sa higit pang pagkalat ng mga species sa gamit ang makinarya sa pag-aani at kontaminadong buto. Ang paglitaw ng Centaurea cyanus ay sobrang nabwasan noong huling mga dekada dahil sa pinabuting paglilinis ng buto, mas masinsinang nitrogen fertilization at paggamit ng herbicide. Gayunpaman, ang Centaurea cyanus ay naging mas karaniwan sa lupaing taniman dahil sa pagtaas ng pag-palit ng mga tanim na pinangungunahan ng tanimang tag-lamig at rapeseed at ang paggamit ng mas mapiling herbicide na hindi gaanong mabisa laban sa Centaurea cyanus. [16] Karagdagan, ang pagbuo ng paglaban sa klase ng herbicide ng mga sulfonylurea ay naibalita kamakailan. [18] Dahil sa malalakas na ugat nito, mahirap kontrolin gamit ng mekanika ang Centaurea cyanus sa tagsibol. [16]
Kumpay para sa mga insekto at ibon
baguhinAng bulo ng Centaurea cyanus ay ginagamit ng iba't ibang mga insekto. Mga insekto sa order na Hymenoptera at Diptera ay partikular na lumalapit sa bulaklak.[19] Dahil ang Centaurea cyanus ay self-incompatible na species, kailangan nito ng labasang pambubulo . Ang nektar ng Centaurea cyanus ay napakatamis dahil 34% ang nilalang asukal nito. Dahil mataas ang produksyon ng asukal nito (hanggang 0.2 mg asukal bawat araw at bulaklak), ang mga species ay sobrang pinahahalagahan ng mga beekeepers.[20]
Ang mga binlid ng Centaurea cyanus ay isa sa mga paboritong pagkain ng Europeanong kardelina.
Pagkontrol ng mga insektong peste.
baguhinAng Centaurea cyanus ay gumagawa ng volatiles na nagpapaakit sa Microplitis mediator, [21] isang pangunahing parasitoid ng cabbage moth (Mamestra brassicae), isang pinakaimportanteng peste ng repolyo ( Brassica oleracea ) sa gitnang Europa. Ang pagtatanim ng Centaurea cyanus sa mga taniman ng repolyo bilang isang kasamang halaman ay iminungkahi bilang alternatibo sa malawakang paggamit ng mga pamatay-insekto upang makontrol ang Mamestra brassicae . Ang mga eksperimento sa field ay nagpakita na ang pagtatanim ng Centaurea cyanus sa mga patlang ng repolyo sa density na 1 halaman / m 2 ay maaaring magresulta sa isang makabuluhang pagtaas sa parasitation ng Mamestra brassicae larvae, predation ng Mamestra brassicae egg (eg sa pamamagitan ng carabid beetles o spiders ) at sa huli ay ani ng repolyo. [22] [[Kategorya:Halamang-gamot]]
- ↑ Rosamond Richardson, 2017, Britain's Wildflowers. Pavilion.
- ↑ Grigson, Geoffrey (1975). The Englishman's Flora. Frogmore: Paladin. p. 419. ISBN 0586082093.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1].
- ↑ Shiono M, Matsugaki N, Takeda K (2005). "Structure of the blue cornflower pigment". Nature. 436 (7052): 791. doi:10.1038/436791a. PMID 16094358.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lauber, Konrad; Wagner, Gerhart (1996). Flora Helvetica (sa wikang Aleman). Berne: Paul Haupt Verlag. p. 1152. ISBN 3-258-05405-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rose, Francis (1981). The Wild Flower Key. Frederick Warne & Co. pp. 386–387. ISBN 0-7232-2419-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Online atlas of the British & Irish flora: Centaurea cyanus (Cornflower)". Biological Records Centre and Botanical Society of Britain and Ireland. Nakuha noong 22 Mayo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Action plan for Centaurea cyanus". Ukbap.org.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-21. Nakuha noong 2009-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Plantlife website". Plantlife.org.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-27. Nakuha noong 2009-11-05.
{{cite web}}
: Unknown parameter|authors=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Skeffington, M.S. (2015). "Cornflower (Centaurea cynanus L.) and Good-king-henry (Chenopodium bonus-henricus L.)". Irish Naturalists' Journal. 34: 27–31.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hackney, P. (1992). Stewart & Corry's Flora of the North-east of Ireland (ika-Third (na) edisyon). Institute of Irish Studies and The Queen's University of Belfast. ISBN 0-85389-446-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martin E., Dinç M., Duran A. (2009).
- ↑ Le Corre V., Bellanger S., Guillemin J.-P., Darmency H. (2014).
- ↑ Bellanger, Solène; Guillemin, Jean-Philippe; Touzeau, Solène; Darmency, Henri (2015). "Variation of inbreeding depression in Centaurea cyanus L., a self-incompatible species". Flora. 212: 24–29. doi:10.1016/j.flora.2015.02.003.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Breeding and Seed Production of Ornamental Crops". Nakuha noong 22 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 16.0 16.1 16.2 Gehring, K.; Seemann, W.; Thyssen, S. "Leitunkräuter in Getreide". LfL Bayern. Bayerische Landesanstalt für Landwirtschaft. Nakuha noong 26 Hulyo 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pallutt, B.; Flatter, A. (1998). "Variability of weed competitiveness in cereals and consequences for the correctness of thresholds". Journal of Plant Diseases and Protection (Special Issue 16): 333–344.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Adamczewski, K.; Kierzek, R. (2010). "Cornflower (Centaurea cyanus L.) cross resistant on ALS inhibitors". Progress in Plant Protection. 50 (1): 285–290.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carreck N., Williams I. (2002).
- ↑ Helmut Horn, Cord Lüllmann: Das große Honigbuch, Kosmos, Stuttgart, 3.
- ↑ Belz, Elodie; Kölliker, Mathias; Balmer, Oliver (2013). "Olfactory attractiveness of flowering plants to the parasitoid Microplitis mediator: potential implications for biological control" (PDF). BioControl. 58 (2): 163–173. doi:10.1007/s10526-012-9472-0.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Balmer, Oliver; Géneau, Céline E.; Belz, Elodie; Weishaupt, Bettina; Förderer, Gerda; Moos, Sebastian; Ditner, Nadine; Juric, Ivan; Luka, Henryk (2014). "Wildflower companion plants increase pest parasitation and yield in cabbage fields: Experimental demonstration and call for caution". Biological Control. 76: 19–27. doi:10.1016/j.biocontrol.2014.04.008.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2