Tagagamit:Erwin.salta/Otome game

Ang otome game, o tinatawag din na Maiden Game, ay isang laro kung saan ito ay nakaayon sa mga kababaihan, kung saan ang layunin ng larong ito, maliban sa mismong paksa ng laro, ay ang gumawa ng romantikong relasyon sa pagitan ng babaeng karakter na iyong nilalaro at sa isa, o higit pang karakter na lalaki (minsan naman ay babae). Ito ay pinakasikat sa Japan, na karaniwang mga biswal na nobela or mga larong simulasyon. Ngayong 2012, ang pinakakilalang otome game na Ingles ay ang Hakuoki: Demon of the Fleeting Blossom (Hakuouki: Shinsengumi Kitan) na nilalaro sa PSP. Itong uring ito ay tinatawag ring GxB ng mga Kanluranin (babaeng naghahabol sa mga lalaking karakter).


Kasaysayan

baguhin

Ang pinakaunang otome game ay ang Angelique, na inilabas noong 1994 ng Koei sa Japan para sa Super Famicom, at ito ay gawa ng mga kababaihan. Ang larong ito ay nakaayon sa mga nagdadalaga, ngunit ito ay mas naging popular sa mga dalaga at mga babeng nasa edad na 20. Ang Angelique ay ipinuri bilang tagapagtaguyod ng kaugalian sa mga pambabaeng laro: ito ay nakatuon sa romansa, na madaling laruin na gumagamit din ng iba't-ibang klase ng uri sa paglalaro. Noong 2002, naglabas ang Konami ng laro, anf Tokimeki Memorial Girl's side, na pumatok kung kaya't dumami ang mga manlalaro nito. Noong 2006, ang listahan ng pinakamalakas bumenta na larong may temang pag-ibig ay kasama ang pitong otome game. Ang mga unang larong otome ay may hawig sa mga makalumang shoujo manga, kung saan nakatuon ito sa relasyong walang pagtatalik, ngunit habang lumalawak ang kategoriyang ito, mas dumami din ang klase at uri ng larong ito.

Istilo

baguhin

Malaki ang hawig nito sa shōjo manga, at pati na rin sa harem manga pagdating naman sa tema nito. May mga laro din na nilabas para sa mga babae na nakatuon sa pagmamahalan at romansa sa pagitan ng dalawang lalake, o tinatawag na boy's love, minsa'y isinasama rin siya sa otome ngunit mas kadalasang ipinaghihiwalay ang mga ito. Ang otome ay para talaga sa mga kabataang kababaihan kung kaya't kakaunti lamang ang erotika sa mga larong ito. Ito rin ay dahil hindi pumapayag ang ilang companya na magkaroon ng pornograpiya ang kanilang pangalan, katulad na lamang ng Sony. May mga larong nilalaro sa PC kung saan may kauting pagtatalik ang maaring mangyari, ngunit ito rin ay inalis noong inilabas ito para sa PS2. Ang iba pang karaniwang elemento ng larong ito ay ang importansya na ibinibigay sa "voice acting", sa mga CG, at mga epiloge sa dulo ng laro kung saan nakatapos ng matagumpay.

Kaugnay na ibang midya

baguhin

Malakas ang pagkakaugnay ng otome game sa shōjo manga, kung saan minsan ginagawang manga itong mga ito (halimbawa nito ang Neo Angelique and Meine Liebe) ang minsan naman ang manga ay ginagawan ng otome game (katuilad ng Nana). Kadalasan din makakita ng mga doujinshi, mula sa mga sikat na manga mula sa otome game. May mga sikat na laro na ginawang OVA o kaya nama'y serye, halimbawa na diyan ay ang Angelique at Uta no Prince Sama.


Listahan ng mga larong otome

baguhin

List of independent otome games

baguhin

List of otome game developers and publishers

baguhin

References

baguhin


baguhin
  • GxB English-language games on the Ren'Ai Archives: original free English-language visual novels with female protagonists pursuing male characters
  • B's Log: Monthly Japanese language magazine focusing on female-targeted games (mostly otome and BL)
  • Dengeki Girl's Style: Japanese language magazine about female-targeted games released in even months (mostly otome and BL)
  • Red Panda Games: English visual novel site featuring anime games where girls pursue boys.

Padron:Dating sims and visual novels