Alaala

(Idinirekta mula sa Memories)

Sa sikolohiya, ang alaala o memorya (mula sa kastila memoria) ay ang kakayahan ng isang organismo na makapag-imbak o makapagtabi, makapagpanatili, at makapagpanumbalik muli ng kabatiran at mga karanasan. Ang tradisyunal na mga pag-aaral ng alaala ay nagsimula sa mga larangan ng pilosopiya, kabilang ang mga teknika ng mnemonic o artipisyal na pagpapainam ng memorya. Noong huli ng ika-19 at kaagahan ng ika-20 mga daantaon, inilagay ng mga siyentipiko ang alaala sa loob ng paradigmo ng sikolohiyang kognitibo. Naniniwala ang mga dalubhasa na ang alaala ay isang masalimuot na proseso sa kabuuan ng utak na hindi lamang nagaganap sa isang tiyak na rehiyon ng utak. Ang proseso ng memorya ay nagsisimula sa pag-eenkodigo, na nagpapatuloy sa pagtatago o pag-iimbak, at hahantong sa muling pagpapabalik o muling pagkuha.[1] Sa kamakailang mga dekada, ito ay naging isa sa pangunahing mga haligi ng isang sangay ng agham na tinatawag na neurosiyensiyang kognitibo, isang interdisiplinaryong kawing o ugnay sa pagitan ng sikolohiyang kognitibo at neurosiyensiya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Mohs, Richard C. "How Human Memory Works". HowStuffWorks. Nakuha noong 3 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.