Tagagamit:Magneticflux26/Zsa zsa zaturnnah

Zsazsa Zaturnnah
Talaksan:Zsazsa Zaturnnah.jpg
Zsazsa Zaturnnah
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaVisual Print Enterprises
Unang paglabasAng Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah #1 Alamat Comics 2002 (The Amazing Adventures of Zsazsa Zaturnnah)
TagapaglikhaCarlo Vergara
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanAda
Kasaping pangkatDidi (assistant ni Ada)
Dodong (friend; object of Ada's affection)


Ang Zsazsa Zaturnnah ay isang kathang-isip na komiks na nilikha ng isang Pilipinong manunulat at graphic designer na nagngangalang Carlo Vergara noong Disyembre 2002. Zsazsa Zaturnnah o Zaturnnah, ay nakakuha ng atensyon mula sa Philippine media sa mga taon matapos ng kanyang unang paglabas at sa ngayon ay mayroong lipon ng mga panatiko.

Ang kanyang karakter ay unang lumabas sa isang grapikong nobela na pinamagatang, Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah (The Spectacular Adventures of Zsazsa Zaturnnah), na unang nilimbag ng may-akda sa dalawang parte noong Disyembre 2002 sa limitadong kopya lamang. Noong nanalo ito sa National Book Award noong 2003, gawad ng prestihiyosong Manila Critics Circle, nilapitan ni Vergara ang isang komersyal na limbaganVisual Print Enterprises upang pagsamahin ang dalawang parte sa isang libro para sa distribusyon sa Pilipinas.

Ang grapikong nobela ay nasa ika-labindalawang pwesto sa pinakamataas na bentang kathang-isip na libro sa Pilipinas Ppara sa taong 2005, base sa datos ng National Bookstore, ang pinakamalaking tindahan ng libro sa bansa. Sa kasalukuyan, ito ay ginagamit bilang isang reference o subject [1] in gender studies sa ilang unibersidad, kabilang na ang University of the Philippines.

Noong Mayo 25, 2008, ang manunulat na si Carlo Vergara ay inilabas ang unang anim na pahina ng Zaturnnah sequel sa pamamagitan ng kanyang blog. Kwarentang pahina ang sumunod na inilabas sa internet. Ang ikalawang yugto, na pinamagatang Zsazsa Zaturnnah sa Kalakhang Maynila (Zsazsa Zaturnnah in Metro Manila), ay naglalathala ng mga karanasan nina Ada and Dodong's sa Maynila. Ang unang parte ng ikalawang yugto ay nilimbag noong Enero 25, 2012.

Talambuhay ng bida

baguhin

Si Zaturnnah ay isang malaki at makapngyarihang babae na may pulang buhok at tila lalaking pangangatawan. Siya ay kamukha ng DC Comics na karakter na si Wonder Woman at ang Pilipinang superhero na si Darna. Ang natatangi ay ang alter-ego ni Zsa Zsa na si Ada, dahil sa kanyang sekswalidad, bilang isang lalaking homosekswal. Siya ay may-ari ng isang maliit na parlor. hanggang sa makatanggap siya ng isang malaking bato na kapag nilunok ay magiiba ng kanyang anyo at siya ay magiging si ZsaZsa Zaturnnah.

Layunin niyang patunayan ang kanyang sarili sa kanyang mga magulang na kaya niyang mabuhay ng maramgal bilang isang parlorista, habang nananatili siyang binabalot ng takot sa alalala ng kanyang ama at masaklap na karanasan dahil sa pananakit. Ang kanyang ama ay kontra sa kanyang homosekswalidad, kung kaya umabot ito sa puntong inilagay ang ulo ni Ada sa kaning-baboy. Ang kanyang mga karamasan ang nagtulak sa kanya upang maging mahiyain at hindi komportable sa ibang tao, habnag binubuo niya mulia ng sarili mula sa pagkamaty ng kanyang mga magulang. Kaugnay ito, ang kanyang naunag relasyon sa isang lalaking nagngangalang Lester, ay nagtapos sa panununtok nito sa kanya.

Sa isang mallit na baryo ni Ada itinayo ang kanyang parlor sa pinauupahang lugar ni aling Britny. Sa tulong ni Didi, ninais ni Ada na mabuhay ng normal. Hanggang sa nahulog ang isang pink na bato mula sa langit na nagbigay kay Ada ng kapangyarihan na mag-ibang anyo sa tuwing lulunukin ito at isisigaw ang salitang "Zaturnnah!" (na nakaukit sa bato). Masayang pinangalanan ni Didi ang kanyang karakter bilang Zsazsa Zaturnnah.

See also

baguhin

References

baguhin
baguhin

tl:Zsazsa Zaturnnah