Si Zsazsa Zaturnnah ay isang kathang-isip na karakater mula sa komiks na nilikha ng Pilipinonng tagaguhit at manunulat na si Carlo Vergara noong Disyembre 2002. Unang lumabas ang karakter sa Filipinong nobelang grapiko na Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah,[2] isang gawa na sariling inilimbag ni Vergara noong una at nilabas noong Disyembre 2002 na binubuo ng dalawang bahagi.[3] Sa kalaunan, napag-isa ito sa isang bolyum at ipinamahagi ng Visprint Inc. (Visual Print Enterpises). Nanalo ang nobelang grapiko ng National Book Award (Pambansang Aklat na Parangal) noon 2003 na binigay ng Manila Critics Circle.[4] Ito ang ika-12 pinakamabentang aklat na piksyon sa mga lathain mula sa Pilipinas noong 2005, batay sa mga tala ng National Book Store.[5]

Zsazsa Zaturnnah
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaVisprint Inc.[1]
Unang paglabasAng Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah, Alamat Comics #1 (2002)
TagapaglikhaCarlo Vergara
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanAda o Adrian
Kasaping pangkatDidi (katuwang ni Ada)
Dodong (kaibigan; iniirog ni Ada)
KakayahanHindi tinatablan, higit-sa-taong lakas, higit-sa-taong liksi, hindi mawasak na dibdib

Ang karakter na si Zsazsa Zaturnnah ay may kaakit-akit na katawan na may pulang buhok at ang kanyang ibang katauhan, si Ada, ay isang baklang byutisyan (o tagapagpapaganda) na mula sa isang lalawigan ng Pilipinaas.[6] Si Ada ay nagiging Zsazsa Zaturnnah kapag nilulunok niya ang isang batong kasing laki ng milon at sinisigaw ang "Zaturnnah!"[1][7] Kapag binabasa ang kuwento, para itong parodiya ng Darna at nagbigay ng pagkilala si Vergara sa likha ni Mars Ravelo ngunit si Zsazsa Zaturnnah ay isang natatanging karakter habang tinatalakay ng kuwento ang mga usapin na hinaharap ng pamayanang LGBT.[1][8] Siya rin ay isang sanggunian at paksa[9] sa mga kurso ng pag-aaral ng kasarian sa ilang mga pamantasan, kabilang Unibersidad ng Pilipinas na pinapaktakbo ng pamahalaan.[9][6] Nasundan ang unang aklat seryeng Zsazsa Zaturnnah sa Kalakkhang Maynila. Nasa tatlong bahagi ito na nailabas ang unang bahagi noong 2012 habang ikalawang bahagi naman noong 2016. Ginagawa pa ni Vergara ang ikatlong bahagi sang-ayon noong Abril 2019.

Sa labas ng komiks at ibang panitikan, lumabas si Zsazsa Zaturnnah sa ibang medyum kabilang ang pelikula at teatro. Si Zsa Zsa Padilla na naging inspirasyon para sa unang pangalan ng karakter ay ginampanan si Zsazsa Zaturnnah noong 2006 sa pelikulang Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh[10] kasama ang ibang katauhan ng karakter na si Ada na ginampanan ni BB Gandanghari (na krinedito noon bilang Rustom Padilla).[11][12] Mula 2006 hanggang 2011, isang palabas pang-musika sa teatro na pinamagatang Zsazsa Zaturnnah Ze Muzikal ay pinalabas ng Tanghalang Pilipino sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas gayon din sa ibang lugar kasama ang iba't ibang artista na gumanap na Zsazsa Zaturnnah (kabilang sina Eula Valdez at K Brosas) at Ada (kabilang sina Tuxqs Rutaquio at Vincent de Jesus).[13][14][12] Noong 2019, nagbigay ang Rocketship Studio ng isang patikim para sa isang animasyong pelikula na Zsa Zsa Zaturnnah, na tinatampok ang karakter ni Vergara.[15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Tapnio, Kevyn (2019-01-16). "10 Essential Visprint Books for Every Kind of Reader". SPOT.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lent, John A. (2014-01-17). Southeast Asian Cartoon Art: History, Trends and Problems (sa wikang Ingles). McFarland. p. 65. ISBN 9780786475575.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Carballo, Bibsy M. (2013-08-02). "Erasing the line between film and TV". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2019-09-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Patajo-Legasto, Priscelina (2008). Philippine Studies: Have We Gone Beyond St. Louis? (sa wikang Ingles). UP Press. p. 427. ISBN 9789715425919.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "'The Best of Pinoy komiks". The Manila Times (sa wikang Ingles). 2010-08-01. Nakuha noong 2019-09-17 – sa pamamagitan ni/ng Pressreader.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Filipino Superhero Series: Zsazsa Zaturnnah". FFE Magazine (sa wikang Ingles). 2013-09-13. Nakuha noong 2019-09-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "ZsaZsa". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Corpuz, David (2010). "Subverting Zsazsa Zaturnnah: A Critical Analysis on the Gender Representations on Carlo Vergara's Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsazsa Zaturnnah (presented at the 8th ASEAN Inter-University Conference, Manila, May 2008)" (PDF). GMA News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Corpus, David R. (2010). "SUBVERTING ZSAZSA ZATURNNAH: The Bakla, the 'Real' Man and the Myth of Acceptance". University of the Philippines-Diliman (sa wikang Ingles). UP Center for Women’s Studies, University of the Philippines. ISSN 0117-9489.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mata, Paul (2007-11-12). "Zsa Zsa Padilla now writes her own PEP blog "Zsa Says"". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Lo, Ricky (2019-07-30). "Postmortem on Rustom Padilla; long live, Miss BB Gandanghari!". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Rodriguez, Mia (2019-07-28). "Zsazsa Zaturnnah Is Making a Comeback as a Cartoon". SPOT.PH (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Eula Valdes returns as Zsa Zsa Zaturnnah!". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2009-02-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-09. Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Lebumfacil, Marigold (2007-11-01). "Musical riot 'Zsa Zsa Zaturnnah' invades Cebu this November". philstar.com (sa wikang Ingles). The Philippine Star. Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "WATCH: First teaser for Zsa Zsa Zaturnnah animated movie". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2019-06-01. Nakuha noong 2019-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)