Tagagamit:Raider000/burador
Magandang araw po, mga kababayan! Ito ang aking pahinang burador. Magagamit ko ito upang gumawa ng anuman gamit ang wiki markup, magsagawa ng mga pangkasanayang pagbabago, at magsimulang magsulat ng artikulo. Ito ay isang ligtas na lugar kung saan ang aking likha ay hindi mabubura bago ko malaman kung paano gumagana ang mga bagay.[a]
Maikling mensahe
baguhinItong sandbox na pinangangasiwaan nitong tagagamit ay nilikha, taóng 2022.
Bahagi para sa burador
baguhinRESERBADO
Burador (mula sa pahinang tagagamit)
baguhinPamagat: Sariling Burador
(simula)
Dahil binigyan ng restriksyon ng Wikipedia ang mobile phone ng iyong lingkod, ilalaan ko ang bahaging ito para sa mga magiging burador ng mga artikulo sa ibang wika.
put your text here.
Template:Infobox sa English Wikipedia <<By the time of birth: Pres. VP. SP. HS. CJ. Event
Interests Hobby is reading, watching, and listening to the news here and abroad. Current events: National, Local, International, Sports, Entertainment, Beauty Pageants, Music. History: dates of events of note.
Profiles Picture Name Profession Signature
Inspirations Quote Bible
Records Look @ TP
Resources: Newspapers: broadsheet - MB, PDI, PS, MT, MS tabloid - Balita, Tempo, PSN, PM, Abante, ATonite, PJournal, Bulgar, Remate, InqBandera, PJTonight, PilipinoMirror Web: Rappler TV(accessible in our community): CH. 2 4 7 9 23 Radio: AM - list FM - list SunStar, BBC, Buzzfeed AP, AFP, UPI, Reuters Gov.ph, PhInfoA, PhNewsA
Tutorial Help
Free basics
NO TO MEDIA BIAS. NO TO FAKE NEWS. NO TO HISTORICAL REVISIONISM>>
(wakas)
Mga bagay na kawili-wili
baguhinPlano_1
baguhinHonorato Perez |
---|
Si Honorato C. Perez Sr.[1][2] ay datîng alkalde ng lungsod Cabanatuan.[3]
Noong Mayo 10, 1972, iminungkahi ni Pangulo Ferdinand Marcos si Perez upang italaga bilang piskal panlalawigan ng Nueva Ecija; ang mungkahi ay nalampasan ng Komisyon sa Paghirang sa pagpapaliban ng Kongreso, na 'di-tiyak ang pagbabalik, noong Mayo 18. Kinabukasan, itinalaga si Perez bilang pansamantalang piskal panlalawigan. Tinutulan ito ng Sangguniang Panlalawigan at ni gobernador Eduardo Joson, pawang humiling sa komisyon na nagpasyang huwag irekomenda ang kumpirmasyon sa pagtatalaga sa kanya.[1] Noong Hunyo 7, 1972, iminungkahi muli si Perez sa parehong tanggapan ngunit nalampasan noong Hunyo 22. Alinsunod sa designasyon na naunang pinalawig ng pangulo, noong Agosto 1972, nanumpa at pormal na naglingkod si Perez bilang pansamantalang piskal panlalawigan.[1] Umapela si Perez sa Korte Suprema, na kumukwestiyon kung may kapangyarihan ang Sangguniang Panlalawigan, na ipasá ang resolusyon na hindi-kumikilala sa kanya sa posisyong ito kahit gumaganap na ito alinsunod sa designasyong pinalawig ng pangulo, at itanggi ang bisa ng naturang designasyon.[1] Naghain ng kandidatura si Perez pagka-alkalde ng lungsod Cabanatuan sa halalang lokal ng Enero 30, 1980. Naging batayan ito ng Hukuman upang ideklara ang petisyon na moot and academic dahil ang kanyang karapatan sa tanggapang ito ay binawi sa ganitong pamamaraan. Ang petisyon ay ibinasura taóng 1982.[1] Si Perez, noo'y alkalde ng lungsod Cabanatuan bago ang halalan lokal ng Enero 30, 1980, ay muling tumakbo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL).[2] Nang sumunod na araw, inatas ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) na suspindihin ang canvass ng mga resulta sa halalan pagka-alkalde ng lungsod. Sa kabila nito, noong Pebrero 2, ipinroklama ng Board of Canvassers ng lungsod sina Leonor Garcia at Dr. Romeo Ortiz, pawang mga kandidato ng Lapiang Pagkakaisa ng Bayan, bilâng nahalal na alkalde at bise alkalde gayundin ang lahat ng walong kandidato ng KBL para sa Sangguniang Panglungsod.[2] Naunang naghain si Perez ng petisyon para sa suspensyon ng canvass para sa mga kandidato pagka-alkalde at pagka-bise alkalde dahilan sa 'di-pagbilang ng maraming mga boto para sa KBL sa mga presinto, nangangahulugan ng depektibong election returns, gayundin para sa muling pagbibilang ng mga balota. Maya-maya ay hiniling niyang ipawalang-bisa ang election returns, ipagpaliban ang canvass at ipawalang-bisa ang kandidatura ng mga kandidato ng LPB sa lungsod dahilan sa pagkakasangkot ni Garcia sa mga iregularidad sa mga presinto.[2] Mula Pebrero 26, pinangunahan ng bagong Board of Canvassers ng lungsod ang recanvass ng election returns. Bilang tugon sa petisyon ni Perez, noong Marso 27, inatas ng COMELEC sa Board of Canvassers ng lungsod na alisin sa canvass ang mga kuwestiyonableng election returns. Batay sa resulta ng recanvass, iprinroklama si Perez na nagwaging alkalde.[2] Noong Mayo 15, nagpasya ang komisyon na ibasura ang protesta elektoral na inihain ni Garcia noong Abril 7 at ang mga kaugnay nito, at kumpirmahin ang prokalamasyon kay Perez bilang nahalal na alkalde. Taóng 1981, ang Hukuman ay nagpasyang ibasura ang lahat ng mga petisyong inihain matapos ang naturang pasya ng komisyon.[2] Nagsimula ang serye ng karahasan sa lalawigan sa alitan sa pagitan nina ngayo'y yumaong Eduardo Joson at kanyang dáting kaalyado na naging púnong karibal na si Perez.[4] Noong 1980, nilusob at sinunog ng armadong mga kalalakihan ang lumang bahay-pamahalaan panlungsod. Siyam ang patay at higit sa dosena ang sugatan, ngunit si Perez, noo'y alkalde ng Cabanatuan, ay nakatakas nang tumalon mula sa bintana ng banyo ng kanyang opisina sa ikalawang palapag ng gusali.[4] Labing-isang taon ang lumipas, napatay sa pananambang si bise alkalde ng Cabanatuan Eduardo Joson III, anak ng nakatatandang Joson. Pangunahing salarin si Alex Quibuyen, anak ni Andres na kalihim ni Perez na binaril-patay ng 'di-nakilalang mga salarin dalawang linggo bago nito. Noon ay naglilingkod si Perez sa ikatlong termino bilang alkalde.[4] Noong Abril 22, 1995, halos dalawang linggo bago ang halalan, binaril-patay sina Perez, noo'y kandidato pagkagobernador ng Nueva Ecija, at kanyang aide na si Diomedes Catabas sa kalsada ng Talavera, Nueva Ecija[3][4] habang nangangampanya[5] matapos ang 'di-umano'y alitan sa tumatakbong-muling gobernador na si Tomas Joson III, na kanyang katunggali.[3] Ang mga salarin ay sina Joson at ang kanyang kapatid na lalaki, noo'y alkalde ng Quezon Mariano Cristino, kasáma ang malaking bilang ng mga bodyguard na pinaniniwalaang kasama ang mga opisyal ng bilangguan, mga pulis at mga sundalo. Ang grupo ng Joson ay inakalang nasa pangangampanya pero nasa landas ni Quibuyen na nakatirá sa naturang lugar.[4] Dalawang magkakapatid na lalaki, gobernador ng Nueva Ecija Tomas Joson II at alkalde ng Quezon Mariano Joson, ay sinampahan ng kaso kaugnay sa pagpaslang sa alkalde ng Cabanatuan na si Perez at kanyang guwardiya.[6] Sina Joson, kanyang nakababatang kapatid na lalaki na si re-electionist (2001) na alkalde ng Quezon Mariano Cristino at siyam na iba pa ay nakapiit sa Kampo Crame at sinampahan ng double murder at frustrated murder kaugnay sa mga pagpaslang. (Sinasabing sarado na ang kaso, taóng 2001.)[3] |
Iba pa:
|
Mga nota
baguhin- ↑ Halos buong tekstong ito ay salin sa wikang Tagalog ng mga nasa halimbawang burador na mapapanood sa bidyong ito.
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 D2: G.R. No. L-35474, Marso 29, 1982
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 D3: G.R. No. L-53793, Hunyo 29, 1981
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 The Philippine Star, Mayo 6, 2001
- ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 D3: Vera Files, Mayo 6, 2010
- ↑ The Philippine Star, Enero 29, 2004
- ↑ D3: (bidyo) Associated Press, Mayo 6, 1995