Naniwalang ang pagyabong ng wika ay hindi sa paggamit ng mga binaol nang mga salita, kundi sa pagtanggap kahit pa ng salitang banyaga. Isang kabalintunaan ang pagsasa-Español muna ng isang salita bago ito baybayin sa Tagalog, kahit hindi karaniwan ang salitang ito sa Tagalog.


Maraming nakakaumay na salita dahil masyadong literal o pilít ang mga pagkakasalin, kayâ nalilihis ang pag-unawa ng nakararami.

Sana mabago na ang mga sumusunod sa interface ng Tagalog Wikipedia:

Ingles Salin ngayon Mungkahing salin
Preview Paunang tingin Sulyap
Cancel Balewalain Isantabi
Iwaksi
Recent changes Mga huling binago Kamakailang pagbabago
Talk (page) Usapan Makipag-usap
Sandbox Burador Magsanay
Preferences Mga nais ko
Watchlist Bantayan Binabantayan
Contributions Mga ambag ko Mga inambag
Log-out Umalis sa pagka-login Mag-log out