Taijiquan

(Idinirekta mula sa Tai Chi Chuan)

Ang Taijiquan o Tai Chi Chuan, (sa sulat Tsino : 太極拳, pinyin: Tàijíquán; sa literal: "Ang pinaka-pinaka na kamao") o mas kilala bilang Tai Chi, ay isang paraan ng pakikipaglaban (martial arts) o pagtatanggol sa sarili gamit ang panloob na lakas. Ito ay isang uri ng sining ng pakikipag laban sa Tsina na gumagamit ng malumanay na paraan taliwas sa paggamit ng tuwirang lakas ng mga kalamnan sa pagtatanggol o pananakit.

Maraming istilo ng Taijiquan, ilan sa pinaka popular sa mga ito ay ang istilo ng pamilyang Yang, at ang istilo ng pamilyang Chen.

Kadalasan itong ginagamit bilang paraan ng pagpapabuti ng kalusugan at pagpapahaba ng buhay bilang uri ng ehersisyo, na siyang naging dahilan kung bakit ito naging popular at angkop sa mga nakatatanda maging sangpanig man ng mundo. Ngunit hindi ito nangangahulugan na walang kabataan ang nagsasanay nito, bagkus, sa ksalukuyan, ito ay isa sa mga kategorya ng paligsahan sa ilalaim ng Wushu na nagangailangan ng lakas ng mga binti, mahusay na panimbang, matataas na talon at sipa, at ang mahabang istamina.

Kasaysayan

baguhin

Konsepto at pilosopiya

baguhin

Ang taiji ay pangunahing ginagamit sa pakikipaglaban, ngunit sa paglipas ng mga panahon at sa pagkakaroon ng mga makabagong sandata (lalo na ang baril), ang kasanayan sa Taiji ay natuon sa pagpapabuti ng katawan at isipan at ng pangkabuuang kalusugan. Ginagamit din ito bilang uri ng pagmumuni-muni o pahingalay.

Ang paggamit ng malumanay na paraan sa pagatake/pananakit (offence) o pagsalag/pagtatanggol (defence) ay isa sa mga konseptong binibigyang diin ng taiji. Sa paraan daw na ito ay di masyadong nasasayang ang lakas at natitipon ito upang magamit ng lalong mahusay.

Ang mga pisikal na pagsasanay ay nakatuon sa pagpapalaks at pagpapalambot ng mga kalamnan at kasukasuhan. At ang pagpapabuti sa mga ito ay nag lalayong magkaroon ng epekto sa kalusugan, isipan at kasanayan sa pagkilos.

Mga istilo

baguhin

Maraming istilo ng Taiji sa kasalukuyan, ang mga sumusunod ay limang popular na istilo ng Taijiquan:

  • Yang
  • Chen
  • Sun
  • Wu
  • Wu/Hao

Bilang uri ng paligsahang pampalakasan

baguhin

Kabilang ang Taijiquan sa mga paligsahang pampalaksan sa ilalim ng Wushu bilang isa sa mga istilo sa kategorya ng taolu. Ito ay kalahok sa mga lokal at mga internasyonal na mga paligsahan na kung saan ang Wushu ay isa sa mga timpalak na palakasan. Kabilang sa mga paligsahang ito ay ang mga sumusunod:

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tsina at Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.