Takdang-aralin
Huwag ihalintulad sa awiting Takdang-aralin ni Gloc-9.
Ang takdang-aralin (Ingles: assignment o school work) ay trabahong tinatakda ng isang guro, paaralan, o isang edukasyonal na institusyon. Ang termino ay madalas na nagkakahulugang trabahong kinukumpleto sa tahanan (homework o araling-pambahay), pati na rin ang trabahong tinatapos sa klase (classwork). Karaniwang ginagawa sa klase ang takdang aralin sa oras na ibinigay ng instruktor. Ang mga gawain (exercises) ay maaaring gawin sa tahanan o sa labas ng klase.
Kadalasang kasama sa banghay-aralin (lesson plan) ang mga itinatakda ng guro para sa kanyang mga mag-aaral.[1] Ang layunin nito ay ihasa ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa nakaraang aralin o mga susunod na aralin. Kapag may impormasyong pinapakuha mula sa pinanggagalingan, isinasama rito ang mga sangguniang ginamit.
Mayroong ilang mga mag-aaral na nagsasabi na ang takdang-aralin ay sayang lang ng oras at kaalaman. Gayunpaman, madalas na pinaniniwalaan na ang takdang-aralin ay mahalaga para sa isang mag-aaral sapagkat maaari itong makatulong sa kanilang pagsusulit at edukasyon.[2]
Tinutulungan din ng takdang-aralin ang mga magulang na malaman ang kalagayan ng kanilang mga anak na umuunlad sa pag-aaral. Maaari rin nitong turuan ang isang bata na maging responsable. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga modernong kagamitan ang ginagamit bilang katuwang sa pag-aaral tulad ng mga selpon at kompyuter.
Minsan, ang paraang ito bilang pagkatuto ng mga estudyante ay kontrobersyal at sinasabing may masamang dulot. [3] Noong 2019, sinuportahan ng DepEd ang pagpapatupad ng 'No-homework policy' sa senado na naglalayong ipagpaliban ang mga takdang aralin sa katapusan ng linggo.[4][5]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- https://journals.sagepub.com/doi/10.3102/00346543076001001
- https://www.sfgate.com/education/article/HISTORY-OF-HOMEWORK-3053660.php
- https://pia.gov.ph/news/articles/1027604
- https://www.philstar.com/headlines/2019/08/28/1947149/no-homework-policy-bill-filed-senate
- ↑ https://tininggas.wordpress.com/
- ↑ https://journals.sagepub.com/doi/10.3102/00346543076001001
- ↑ https://www.sfgate.com/education/article/HISTORY-OF-HOMEWORK-3053660.php
- ↑ https://pia.gov.ph/news/articles/1027604
- ↑ https://www.philstar.com/headlines/2019/08/28/1947149/no-homework-policy-bill-filed-senate