Talaan ng mga websayt na may mga paghihigpit ng bansa

Ito ay isang talaan ng mga websayt na may mga paghihigpit sa pagpasok ng anumang bansa .

Pagraranggo ng Alexa Websayt Kategorya Pangunahing wika Mga apektadong bansa Mga ulat
? Google Code Sinupan (repository) ng mga pinagbabatayang kodigo (source code) Ingles Cuba, Iran, Hilagang Korea at Syria, Republikang Crimea
166 SourceForge Sinupan nng mga pinagbabatayang kodigo Ingles Cuba, Iran, Hilagang Korea at Syria, Republikang Crimea Matapos ang isang galit na reaksyon mula sa pamayanan, ang mga paghihigpit ay iniluwag upang ang mga indibidwal na proyekto ay maaaring ipahiwatig kung ang kanilang software ay dapat na harangin.
1947 Coursera Edukasyong Online Ingles Cuba at Iran Ang ilang mga kurso ay maaaring magamit para sa mga taga-Iran sa hinaharap.

Mga Reaksyon

baguhin

Inilipat ng proyektong Notepad++ ang websayt nito sa labas ng Estados Unidos pagkatapos magsimulang ipatupad ng SourceForge ang mga paghihigpit sa pagpasok at pagkonekta.

Noong 2009, pinuna ng Juventud Rebelde ang Microsoft sa pagharang ng MSN Messenger sa Cuba.

Noong 2014, ang edX MOOC platform ay naglathala ng isang pahayag na nagsasabing "hindi namin kailanman hinarangan ang mga mag-aaral mula sa pagtanggap ng edukasyon sa edX platform dahil sa lugar kung saan sila nakatira".

Mga sanggunian

baguhin