Talinghaga ng Butil ng Mustasa

Ang Talinghaga ng Butil ng Mustasa ay isa sa maiikling talinghagang pinangaral ni Hesus. Mababasa ito sa tatlong ebanghelyo ng Bagong Tipan. Maliit lamang ang kaibhan nito sa tatlong ebanghelyo nina Mateo (13:31–32),[1] Marcos (4:30–32),[2] at Lucas (13:18–19).[3] Sa Ebanghelyo ni Mateo at Lucas, ito'y agarang sinusundan ng Talinghaga ng Lebadura, na ginagamit din ang tema ng naturang talinghaga na ang Kaharian ng Langit ay maliit ang pinagmumulan.

Pag-uukit ni Jan Luyken, naglalarawan sa talinghaga, mula sa Bowyer Bible.

Mga sanggunian

baguhin