Tanod Baybayin ng Pilipinas

(Idinirekta mula sa Tanúrang Baybayin ng Pilipinas)

Ang Tanod Baybayin ng Pilipinas (TBP) (Wikang Ingles: Philippine Coast Guard) ay isang ahensiya ng pamahalaan na itinatag sa ilalim ng Pangasiwaan ng Transportasyon at Komunikasyon para tagapagpatupad ng batas sa baybaying karagatan ng Pilipinas.

Tanod Baybayin ng Pilipinas
Philippine Coast Guard

Sagisag ng Tanod Baybayin ng Pilipinas
Pagkakatatag 10 Oktubre 1967; 57 taon na'ng nakalipas (1967-10-10)
Bansa  Pilipinas
Pagtatapat Pilipinas
Uri Tanod Baybayin
Gampanin Maritime law enforcement, border control, search and rescue
Bahagi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
Garison/Punong himpilan Port Area, Maynila
Motto "Saving Lives"
Maskota Dolphin "Kapitan Dolpino"
Mga anibersaryo October 17, Coast Guard Day
Websayt coastguard.gov.ph
Mga komandante
Kumandante Admiral Joel S. Garcia, PCG, Ph.D., H.D., Al-Haj
Insigniya
Flag

Ang TBP ay katuwang sa malawakang pagpapatupad ng batas sa karagatan sa bansa, laban sa mga nagpupuslit ng mga pinagbabawal na bagay, iligal na pangingisda, pagpupuslit ng mga pinagbabawal na gamot at pamimirata. Ang TBP ay katuwang din sa misyong paghahanap at pagliligtas sa mga sakuna. gayondin sa pagbabantay upang maiwasan ang pagkasira ng likas na karagatan. Sa kasalukuyan, ito ay makikita sa buong kapuluaan, na may sampung distrito, 54 na estasyon at mahigit 190 himpilan mula Basco, Batanes hanggang Bongao, Tawi-Tawi.[1]

Sa kasalukuyan, ang bagong batas para Tanurang Baybayin ng Pilipinas na mas kilala bilang Batas Senado bilang 3389,[2] na magpapatibay at magpapalakas ng katungkulan ng TBP ay pinaguusapan pa sa Senado ng Pilipinas.

Mga yunit

baguhin
 
Ang PCG Pampanga (SARV 003), isang barko ng Tanod Baybayin ng Pilipinas, na nasa pormasyon sa Dagat Celebes sa isang magkasamang pagsasanay militar kasama ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at ng Tanod Baybayin ng Estados Unidos at ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, Hulyo 2012

Ang mga pangunahing command unit ng Tanod Baybayin ng Pilipinas ay ang Coast Guard Fleet (CGFLEET),dating kilala bilang Coast Guard Operating Forces (CGOF), ang Maritime Security & Law Enforcement Command, Marine Environmental Protection Command (MEPCOM), Maritime Safety Services Command (MSSC) , dating kilala bilang Aids to Navigation Command (ANC), at ang Coast Guard Education and Training Command (CGETC). Sa mga naturang mga pangunahing yunit, ang pinakamalaki ay ang CGFLEET na inaasikasuhan ang Coast Guard Ready Force (Mga barko at ibang maliliit na sasakyang pandagat), Coast Guard Aviation Group at ang Coast Guard Special Operations Group. Ang TBP ay dating parte ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (SLP) sa ilalim ng Hukbong Dagat ng Pilipinas bago ito inilipat sa Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon.

Ang TBP ay kinikilala bilang ang pangatlong armado at naka-unipormeng serbisyo ng bansa na may pangunahing tungkulin na ipatupad ang lahat na naangkop na batas sa loob ng katubigan ng Pilipinas, pagsasagawa ng mga operasyong panseguridad sa katubigan, pagtatanggol ng buhay at ari-arian sa dagat at pagtatanggol sa yamang dagat.

Dahil sa insidente ng pagbobomba ng M/V Super Ferry 14 sa 2004, ibinuhay ng TBP ang Task Force Sea Marshals, isang pangkat na binubuo ng mga tauhan mula sa TBP, SLP at ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Ang mga Sea Marshals ay sumasakay sa mga pangpasaherong ride on many passenger barko mula at papuntang Maynila, at pinanapatili nito ang securidad sa mga barkong ito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Mission - Pulse of the Maritime Environment · Philippine Coast Guard — News". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-01. Nakuha noong 2012-03-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.senate.gov.ph/lis/bill_res.aspx?congress=14&q=SBN-3389