Tatak Marangal ng Hapon
Ang Tatak Marangal ng Hapon, na tinatawag ding Tatak Krisantemo (菊紋 kikumon), Tatak ng Bulaklak ng Krisantemo (菊花紋, 菊花紋章 kikukamon, kikukamonshō) o Marangal na Sagisag Krisantemo (菊の御紋 kikunogomon), ay isa sa mga pambansang sagisag at taluktok (mon) na ginagamit ng Baginda ng Hapon at mga kasapi ng Marangal na Pamilya. Ito ay naiiba sa Tatak Paulownia na ginagamit ng pamahalaang Hapones.
Tatak Marangal ng Hapon | |
---|---|
Tagapagdala | Naruhito, Baginda ng Hapon |
Itinatag | 1183 |
Lathala | 菊花紋章, Kikukamonshō (Taluktok Krisantemo) |
Tagubilin | Tagubilin ng Krisantemo |
Kasaysayan
baguhinSa Kapanahunang Meiji, wala sinumang maaaring gumamit ng Tatak Marangal maliban sa Baginda ng Hapon, na siya ring gumagamit ng krisantemong may 16 na talulot at dagdag pa rito ang panibagong 16 na talulot sa likuran ng unang hanay nito. Ang bawat kasapi ng Pamilyang Marangal ay gumagamit ng bahagyang kakaibang salin ng tatak. Ang mga dambanang Shinto ay kadalasang tinatanghal ang tatak marangal o ginagamit ang ilang kasangkapan nito sa kanilang mga sagisag.
Sa mga unang kasaysayang Hapones, nang si Bagindang Go-Daigo ay pinatapon nang tinangka niyang wasakin ang kapangyarihan ng shogunato noong 1333, tinaguyod niya ang krisantemong may 17 talulot upang maiba siya kay Bagindang Kōgon ng Kahilagaang Kabahayan na pinanatiling ginamit ang marangal na mon na may 16 na talulot.
Paglalarawan
baguhinAng sagisag ay isang dilaw o pulaw na krisantemo na may itim o pulang balangkas at sanligan. Sa gitna ay may bilog na napapaligiran ng 16 na talutot sa bukana. Sa likuran nito ay may 16 na talutot din ngunit halinhinang nakailalim sa mga laylayan ng pangkat ng mga talutot sa harapan. Isang halimbawa kung saan ito ginagamit ay matatagpuan sa medalya ng Tagubilin ng Krisantemo.
Ang mga ibang kasapi ng Pamilyang Marangal ay gumagamit ng ibang salin kung saan may natatanging 14 na talutot, habang may 16 na talutot naman ang ginagamit sa mga alpiler ng kasapi ng Diet, sa tulot-lakbay, at sa mga iba pang mga bagay na kumakatawan sa kapangyarihan ng Baginda. Ang Tatak Marangal ay ginagamit din sa mga watawat ng Pamilyang Marangal.[1]
Bilang Maginoo ng Garter at bilang Maginoo ng Ginintuang Lana. Ginagamit naman ni Akihito ang tatak Krisantemo bilang kutamayang panlusob at taluktok.
Bulwagan
baguhin-
Mong marangal ng Hapon
-
Watawat Marangal
-
Kalasag ni Akihito bilang Maginoo ng Garter
-
Kalasag ni Akihito bilang Maginoo ng Ginintuang Balahibo
-
Tatak marangal na nakalimbag sa pabalat ng Tulot-lakbay Hapones
-
Nakalimbag sa mga pintuan ng isang puntod sa Kyōtanabe, Kyoto
Karagdagang kaalaman
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 皇室儀制令(1926(Taisho Era 15)皇室令第7号) Naka-arkibo 2007-08-09 sa Wayback Machine.
Kawing panlabas
baguhin- May kaugnay na midya ang Tatak marangal ng Hapon sa Wikimedia Commons