Kabaleriya

(Idinirekta mula sa Tauhang kabayuhan)

Sa kasaysayan, kabaleriya (mula sa salitang Pranses na cavalerie, na hinango mismo mula sa "cheval" na nangangahulugang "kabayo") ay mga sundalo o mandidirigma na lumalaban na nakakabayo. Sila ang pinakanakagagalaw sa mga armadong labanan, na gumagana bilang magaang kabaleriya sa mga gampaning pagmamatyag, pag-iskrin, at panaklutan sa maraming hukbo, o bilang mabigat na kabaleriya para sa mapagpasyang mga atakeng gulat sa ibang mga hukbo. Kilala ang isang indibiduwal na sundalo sa kabaleriya sa isang bilang ng mga pagtatalaga depende sa panahon at taktika, tulad ng isang sundalong kabaleriya, mangangabayo, mangangabayo sa tropa, kataprakto, kabalyero, drabante, hussar (o mangangabayo ng magaang kabaleriya), uhlan (mga mangangabayo na may sandatang sibat), mamluk (mga hindi Arabong sundalong alipin), cuirassier (mga mangangbayo na may korasa, espada, at pistol), lansero, dragun, o arkerong nakakabayo. Hindi kadalasang binibigay ang pagtatalagang kabaleriya sa kahit anumang puwersang militar na ginagamit ang ibang hayop para sakyan, tulad ng mga kamelyo o mga elepante. Ang impanteriya na kumikilos na nakasakay sa kabayo, subalit bumababa sa kabayo upang lumabang nakaapak sa lupa, ay kilala noong maagang ika-17 hanggang maagang ika-18 dantaon bilang mga "dragun", isang uri ng impanteriyang nangangabayo na karamihan sa mga hukbo ay nabago sa kalaunan sa pamantayang kabaleriya habang pinatili ang pagtatalagang makasaysayan.

Kabaleriyang Austro-Unggaro, 1898

May kalamangan ang kabaleriya sa pinabuting pagkilos, at ang isang sundalo na lumalaban na nakasakay sa kabayo ay may mga kalamangan din dahil mas mataas, mabilis, at mabigat na inersya kaysa mga kalaban na nakaapak sa lupa. Isa pa sa elemento ng nakabayong paikikidigma ay ang epekto nitong sikolohikal sa isang sundalo na maaring pahirapan ang kalaban.

Ang halagang bilis, kilos, at pagbigla ng kabaleriya ay lubhang pinahahalagaan at pinagsamantalahan sa mga sandatahang lakas sa mga Sinauna at Gitnang Panahon; ilan sa mga puwersa ay kabaleriya ang karamihan, partikular ang mga lipunang nomadiko ng Asya, kapansin-pansin ang mga Huno ng Atila at sa kalaunan ang mga hukbong Mongol.[1] Ang kabaleriyang mabibigat, tulad ng sa mga katapraktong Bisantino at mga kabalyero ng Maagang Gitnang Panahon sa Europa, ay ginagamit bilang mga tropang pambigla na dumadaluhong sa pangunahing katawan ng kalaban sa kataasan ng labanan; sa maraming kaso, pinapasyahan ang kanilang aksyon sa kinalabasan ng labanan, kaya naman, sa kalaunan ang katawagang battle cavalry o kabaleriyang labanan.[2]

Sa wikang Tagalog, hango mula sa Kastila ang salitang "kabaleriya" (binabay din bilang "kabalriya" o "kabalerya") na tumutukoy sa tropa ng mga sundalong nakakabayo ("tropang nakakabayo") o mga "tauhang kabayuhan". Maaari rin itong tumukoy sa "tropa ng mga tangkeng pandigma".[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. John Keegan, pp. 188–189, A History of Warfare, ISBN 0-09-174527-6 (sa Ingles)
  2. Lynn (1997), p. 490.
  3. Gaboy, Luciano L. Cavalry - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.